Ni AXEL PINPIN I. Paano Binuo? Pingkian ng pawisang katawan habol ang halinghing ng digmaan habang tinitiis ang gabing maalinsangan at nang ang kapirasong dugo ay hulmahin ng ulos at tuluyang mabuo. Ito ang bunga ng inyong pagmamahalan (At magkaminsan ay pagbubuntalan) na may sangkap ng indayog ng balakang at pagsasanib ng likidong hininga ng…