a
REALITY CHECK: Kasinungalingan na disqualified ang Bayan Muna sa 2025 elections
Published on May 11, 2025
Last Updated on May 11, 2025 at 7:16 pm

Pahayag: Disqualified daw ang Bayan Muna Partylist sa 2025 elections sa bisa ng isang resolusyon ng Commission on Election (Comelec), ayon sa isang Facebook post ng “Terror Watch”

Marka: Hindi totoo

Konteksto at katotohanan mula sa komunidad: Kagyat na pinasinungalingan ng former Bayan Muna Partylist representative at second nominee Carlos Zarate ang ipinakakalat sa social media na disqualified ang kanilang party-list. 

“Wala pong dahilan para ma-disqualify ang Bayan Muna at alam ito ng Commission on Election. Ang Bayan Muna ay isang lehitimong partylist group na lalahok sa darating na eleksyon,” ani Zarate. 

Dagdag niya, isa itong paulit-ulit na taktika na nangyayari tuwing eleksyon. “Ang layunin lang nito ay lituhin, guluhin ang ating eleksyon, pigilan ang pagbabalik ng Bayan Muna.”

Sa nagdaang araw, partikular na sa pagtatapos ng campaign period, ang Bayan Muna ay naging biktima sa sunod-sunod na harassment at red-tagging. May mga kabaong na inilagay sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may pangalan ng mga kandidato ng Bayan Muna at iba pang progresibong partylist at kandidatong senador sa ilalim ng Makabayan.

Ilan sa mga natanggap na ulat ng Bulatlat ay ang mga black propaganda materials sa lungsod ng Quezon, probinsya ng Albay, Tarlac, at Bulacan. 

Agad na naglabas ng pahayag ang Comelec at pinasinungalingan ang post ng Terror Watch. Anila, ginaya ang layout at format ng press statement ng kanilang opisina para magmistulang “tunay at galing” sa kanila, at gawing kapani-paniwala ang pahayag.

“Walang nilabas na Resolution ang Commission En Banc na nagdidiskwalipika sa Bayan Muna Partylist ngayong halalan at sila ay opisyal pa rin na kabilang sa listahan ng mga party-list groups na maaaring iboto sa Lunes,” saad ng Comelec sa kanilang pahayag.

Isang election offense sa ilalim ng Section 261 (z)(11) ng Omnibus Election Code ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Ang ganitong istilo at paggaya ng dokumento na animo’y galing sa isang ahensya ng gobyerno ay direkta at tahasang paglabag sa karapatan ng bawat Pilipino sa tama at wastong impormasyon lalo na ngayong panahon ng eleksyon,” dagdag ng Comelec

Naglabas din ng pahayag ang mga news outlets na nadamay sa maling impormasyon na ipinakalat ng Terror Watch, tulad ng Rappler at Inquirer, at sinabing hindi nanggaling sa kanila ang mga public material na ipinapakalat. 

Sa kasalukuyan, hindi na available ang post na ipinakalat ng Terror Watch. Kilala rin ang kanilang page sa pangre-redtag ng mga progresibong kandidato ng Makabayan.

Hiniling naman ni former Bayan Muna representative and first nominee Neri Colmenares sa kanilang pormal na complaint sa COMELEC na imbestigahan ang malawakang disimpormasyon laban sa kanilang partido. 

“This is not just fake news; this is election sabotage,” sabi ni Colmenares. “The deliberate fabrication of COMELEC documents and press releases to mislead voters is a criminal offense that strikes at the very heart of our democratic process. We are filing this complaint to hold accountable those who seek to disenfranchise voters through deception and intimidation.”  (RTS, RVO)

SUPPORT BULATLAT.

BE A PATRON.

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Ads

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pin It on Pinterest

Share This