a
Sampung taon

Sampung taon

Sa isang sitwasyong patuloy na pinapaslang ang mga peryodista at manggagawa sa midya at kinokompromiso ang kalayaan sa pamamahayag, ano pa ba ang puwedeng gawin ng mga ordinaryong taong katulad natin para mabago ang kasalukuang kalakaran? Malinaw na kailangan ang mahigpit na pakikipagkaisa sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Retorika ng “bandalismo”

Retorika ng “bandalismo”

Pero sa panahon ng panlipunang krisis na basta-basta na lang kinikitil ang buhay, at basta-basta na lang ibinebenta ng mismong Pangulo ang soberanya ng bansa, ano pa ang puwedeng gawin ng Panday Sining? Inaasahan ba itong tumalima sa burukrasya sa sitwasyong ang mismong burukrasya ang problema?

Maikling mensahe sa DDS

Maikling mensahe sa DDS

Isa ka ba sa mga tinaguriang Duterte Diehard Supporter (DDS)? May dalawang tanong lang po ako sa puntong ito: Taga-Mindanao ka ba? Apektado ka ba ng lindol? Para sa iyo ito kung ang sagot mo ay oo. Pero kung hindi, sana nama’y bigyan mo rin ako ng kaunting minuto....

Mandirigma sa kalye

Mandirigma sa kalye

Kung sinusubaybayan mo ang balita, alam mong humihingi ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa gobyerno ng humigit-kumulang P430 milyon. Dahil sa napakalaking halaga nito, alam ko na ang nasa isip mo: “Kaninong bulsa na naman kaya ang tataba dahil dito?”

Para sa estudyante ng UP CMC

Para sa estudyante ng UP CMC

Sa gitna ng namuong galit sa maraming tao (malamang kasama ka rito), may dalawang bagay na baka nakaligtaan: (1) Nangyari ang GC hindi kamakailan lang kundi ilang taon na ang nakalipas; at (2) Bago ikinalat ang GC sa social media, matingkad ang usapin ng hazing hindi sa UP kundi sa Philippine Military Academy (PMA). Kaya may dalawang pundamental na tanong sa puntong ito: (1) Kung ang GC ay nangyari noon pa, posible kayang nagbago na ang dating hindi katanggap-tanggap na perspektiba ng mga sangkot sa isyu? (2) Sa kasalukuyan, sino ang makikinabang kung ang pampublikong atensyon sa isyu ng hazing ay mapupunta hindi sa PMA kundi sa UP?

Pesteng trapiko

Pesteng trapiko

Sang-ayon ako sa suhestyong hayaan ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga miyembro ng Gabinete, na gumamit ng pampublikong transportasyon sa pagpasok sa trabaho. Mainam na maranasan nila ang makipagsiksikan, makipagbalyahan at makipagtulakan para lang makasakay. At kung sakaling may pila sa terminal, sana nama’y maarawan o maulanan din sila sa paghihintay sa susunod na traysikel o dyip.

Galit at pag-ibig sa paggunita ng Batas Militar

Galit at pag-ibig sa paggunita ng Batas Militar

Tunay na may batayan ang kolektibong galit na dapat na nararamdaman ng mga mamamayan. Pero pinipilit ng mga nasa kapangyarihan na huwag gunitain ang nakaraan sa makatotohanang paraan. Una, mahalagang alyado ng mga Duterte ang mga Marcos. Ikalawa, pinipilit sikilin ang kultura ng aktibismo ng kabataan. Ikatlo, binabago ang interpretasyon ng kasaysayan sa kabila ng hindi maipagkakailang datos, partikular ang pagpapalayas sa mga Marcos sa Malakanyang sa pamamagitan ng pag-aalsa ng mga mamamayan noong 1986.

Pabango ng berdugo

Pabango ng berdugo

Kung hindi kilala ng mga artistang ito sina Karen, Sherlyn at Raymond, siguro’y napapanahon nang magsaliksik at magsuri. Marahil doon lang nila mapapagtantong tulad ng mga may-ari ng studio at produktong ineendorso nila, sila ay nagagamit din ng AFP, partikular ng ARESCOM, para maging katanggap-tanggap ang gawain ng mga berdugong magnanakaw na, mamamatay-tao pa.

Higit pa sa tubo

Higit pa sa tubo

Ang patuloy na pagpapayaman at pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga kapitalista ay nangyayari sa patuloy na pagpapahirap at pagpapahina ng mga manggagawa. Ang tanong sa puntong ito: Nagtatagumpay kaya sila? Hindi po.
Pansinin ang sunud-sunod na welga sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Iisa ang mga panawagan, iba-iba lang ang pangalan ng mga opisina’t pagawaan. Iisa rin ang solusyon ng kapitalista’t pamahalaan, iba-iba nga lang ang porma: Karahasan.

Organisasyon

Organisasyon

PALIPARANG HONG KONG, Tsina - Sa loob ng ilang oras, darating na ang eroplanong pabalik ng Maynila. Sa wakas, matutuwa na ang mga “pinagkakautangan” ko. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito usapin ng pera. May mga utang po kasi akong artikulo, pahayag, interbyu,...

Paglalakbay na naantala, salamat sa kapitalista

Paglalakbay na naantala, salamat sa kapitalista

Kapitalismo rin ang dahilan kung bakit hindi pinapansin ang reklamo ng mga naagrabyadong pasahero. Walang pakialam ang mga negosyante sa naantalang iskedyul o maging sa buhay o kamatayang sitwasyon (kung mayroon man) ng mga pasahero. Para sa kanilang basta-basta na lang itinatakda ang pagbabago sa iskedyul ng biyahe ng mga pasahero nila, sapat na ang tokenistang paghingi ng paumanhin. Tahimik na lang sila sa kanilang pagkamal ng milyon-milyong kita (o baka naman bilyon-bilyon!).

Blangko

Blangko

Kung ang mensahe ni Heydarian ay hindi makita ang “independent” foreign policy dahil sa nangyari sa Reed Bank, iyon ang dapat na titulo ng artikulo.

Basura sa Philippine Collegian

Basura sa Philippine Collegian

Higit pa sa isang komplikadong telenobela, malinaw ang maniobra ng papaalis nang liderato ng Philippine Collegian para atakehin ang kalayaan sa pamamahayag. Sa halip na pagbutihin ang paglilingkod sa mga estudyanteng tagapaglimbag ng opisyal na publikasyon, ginugol nito ang oras para sampahan ng kaso ang tingin nila’y kaaway nila.

Pagmumuni-muni sa biyahe

Pagmumuni-muni sa biyahe

Mainam ang paminsan-minsang pagbiyahe sa labas ng bansa para makita kung paanong ang mga bagay tulad ng palpak na LRT at MRT sa Pilipinas na unti-unti nang nagiging “normal” ay hindi talaga katanggap-tanggap.

Sa likod ng kamera

Sa likod ng kamera

Sadyang tinatago sa makukulay na termino ang sitwasyong napakasaklap para maging katanggap-tanggap. Hindi ito kakaiba sa kamerang nagbibigay ng ilusyon ng pag-unlad kahit na kabaligtaran ang realidad. Hindi nasasapol ng kamera ang lahat ng nangyayari, lalo na ang sitwasyon sa likod nito.

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Pin It on Pinterest