a
POSTS FOR "Baliksaysay"

ADVERTISEMENT

Vandals

Vandals

Sa imahinasyon ng mga bayaning nakikipaglaban sa pananakop, mahalaga ang pagpapahayag na maituturing na vandalism na gumagambala sa kapanatagan ng mga naghaharing uri. Matatandaan na sa El Filibusterismo, mahalaga ang pangyayari ng pagkatuklas ng mga paskil na nagpapahayag ng paglaban sa pang-aabuso ng mga prayle at iba pang mga pinunong Espanyol na naging dahilan upang hulihin ang mga pinaghihinalaang mga estudyante at magkaroon ng panic ang mga pinuno ng bayan sa pinaghihinalaang kilusang konspiratoryal na magpapabagsak sa pamahalaan. Sa nobela ni Rizal, pinatalsik sa pamantasan ang mga pinaghihinalaang mga estudyante kahit na iyong wala namang kinalaman sa kilusan.

OFW sa kasaysayan

OFW sa kasaysayan

Kakaiba ang ganitong patakaran dahil kung ang ilang bayan ay nakasalalay sa pagpapahalaga sa kanyang manggagawa upang manatili para sa ikauunlad ng domestikong ekonomiya, institusyonal namang sinusuportahan ng pamahalaan na mangibang bayan ang kanyang mga manggagawa para magtrabaho sa ekonomiya ng ibang lipunan.

Lindol

Lindol

Mahalaga ring tingnan na ang kalimitang nagiging biktima ng lindol ang mga sektor na bulnerable at walang kakanyahang makaaagapay sa dagdag na pahirap na idudulot ng kalamidad. Kung ang isang maralita, naulila, walang trabaho, at walang tirahan ang mabiktima ng lindol, higit na magiging trahedya ito sa kanya at maaaring magdulot ng higit na kahirapan na magdadala sa kanya sa kalagayang hindi na makakaahon. Dito dapat papasok ang institusyonal na suporta sa mga nasalanta.

Latin Amerika at Pilipinas, sa pagitan ng mga rebolusyon

Latin Amerika at Pilipinas, sa pagitan ng mga rebolusyon

Hindi kataka-taka na maraming bansa sa Asya, Latina Amerika at Africa ang tumitingin sa Cuba bilang modelo ng pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mamamayan. Ang mga naganap sa Chile sa panahon ni Allende, sa Venezuela mula sa panahon ni Chavez, sa Nicaragua sa ilalim ng mga Sandinista - ang naglagay sa rehiyon sa pagpapatuloy ng diwa ng pagpapalaya sa sarili na nagdulot naman ng reaksyon ng mga konserbatibong pwersa.

Ang mga piging at mga byahe ng pinuno ng Republika

Ang mga piging at mga byahe ng pinuno ng Republika

Sa panahong pinipiga ang mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay serbisyong panlipunan sa mga mamamayan sa pambabarat sa kanilang badyet, pati na ang di pagbibigay ng umento sa mga guro at pagtatanggal sa mga kontraktwal na mga nars at kawani dahil sa kulang sa perang pampamahalaan - patuloy pa rin ang mararangyang piging at mga byahe Pangulo at ng mga kaalyado nito.

Si Rizal at ang alegorya ng dalawang magkapatid

Si Rizal at ang alegorya ng dalawang magkapatid

Sa panahong inagaw ng mga Amerikano ang nakamit ng rebolusyong Pilipino, maraming nagkabilang bakod agad at kumampi sa bagong mananakop habang iniiwan ang mga nanatili sa labanan. Gayundin ang nangyari sa panahon ng mga Hapones, at ang kontrobersyal na usapin ng kolaborasyon sa mga kaaway. Sa panahon ng batas militar, maraming nagbanggit na mabuti sa kanila ang diktadura at awtoritaryanismo kahit na kapuna-punang maraming mga kababayan ang naging biktima nito.

Batingaw mula Balangiga

Batingaw mula Balangiga

Sa mahabang panahon, naging simbulo ang mga kampana ng karahasan at pagnanakaw ng pagkakakilanlan na kaakibat ng digmaan. Isang kabalintunaan ang naganap na pagsasauli ng mga kampana nitong nakaraan nang ipahayag ng mga opisyal na salamin ang pagsasauli ng 'natatanging pagkakaibigan' ng Amerika at Pilipinas. Hindi naging pagkakataon ang seremonyal na pagbabalik upang mapwersa ang Amerika na humingi ng kapatawaran sa mga ginawa nitong karahasan sa Pilipinas, na ginagawa ng ibang bayang nasa antas ng rekonsilyasyon matapos kaharapin ang pait ng digmaan.

Krisis sa bigas o paano mag-alay ng tula sa mga magsasaka

Krisis sa bigas o paano mag-alay ng tula sa mga magsasaka

Nitong mga nakaraang buwan, halos dumapa nang husto ang presyo ng palay sa pamilihan sanhi ng pagdagsa ng mga inangkat na bigas mula sa ibang bansa. Mas mahal pa ang isang istik ng sigarilyo o isang bote ng softdrinks kaysa sa isang kilo ng palay. Sa walang habas na pagpasok ng mga inangkat na dayuhang palay, wala nang proteksyon ang mga magsasaka na pangalagaan ang kanilang mga ani sa pamilihan.

Iba’t ibang panaghoy ng Setyembre 11

Iba’t ibang panaghoy ng Setyembre 11

Maraming trahedya ang inianak ng Setyembre 11 na naglalahad ng pagpapatuloy ng naratibo ng tunggalian hanggang sa kasalukyang panahon. Hindi na gaya ng dati ang kalakaran sa daigdig mula noong Setyembre 11. Subalit gaya ng mga iba pang digmaan sa kasaysayan ng tao, higit na maraming dalamhati ang naranasan ng mga sibilyan tuwing magkakaroon ng digmaan.

Ang lumbay ng mga Lumad

Ang lumbay ng mga Lumad

Kung magiging katulad na ng iba pang mga taga-patag na Kristiyano ang mga katutubo sanhi ng ‘pag-unlad’ o ‘development’ na ipinapahayag ng mga nasa pamahalaan, ano na ang mangyayari sa katutubong kultura, paniniwala, kalinangan, wika, at pamamaraan ng pamumuhay ng mga lumad, ng mga Moro, ng mga taga-Kordilyera at ng mga Mangyan? Ano ang pag-unlad kung mabubura naman ang kanilang lipunan dahil lalamunin lamang ito ng mga kalinangang kanluranin?

May Mayor sa Bilibid

May Mayor sa Bilibid

Nagkakaroon ng kaluwagan sa pagtrato sa mga presong may kaya samantalang tila impyerno naman sa lupa ang kalagayan ng mga mahihirap na bilanggo. Sa loob o labas man ng kulungan, napapanatili ang paghahati ng lipunan sa pagitan ng may kapangyarihan at wala.

Dengue at ang politika ng mga epidemya sa kasaysayan

Dengue at ang politika ng mga epidemya sa kasaysayan

Nang isakatuparan ng mga Amerikano ang rekonsentrasyon ng mga populasyon sa mga bayang itinuturing na pugad ng mga ‘irreconcilables’ o mga tumututol sa pananakop ng mga Amerikano, nilayon nila na pigilan ang pagdaloy ng mga rekurso at suplay ng mga armas, pagkain at gamot sa mga rebolusyonaryo at nakikipaglabang Pilipino mula sa mga barrio. Dahil dito, pinagsama-sama ng mga Amerikano sa maliit na lugar lamang ang mga sibilyang Pilipino at nilimitahan ang kanilang pag-alis sa mga rekonsentradong lugar. Nagkataon namang ito ang panahon na lumalawak ang kolera sa kanayunan!

Adik!

Adik!

Magpapatuloy ang ganitong malalang kalagayan kung hindi makikilala na maiuugat sa suliranin ng droga sa kalagayan ng kahirapan, ang pagkamal ng higanteng tubo ng ilan kapalit ng pagkasalaula ng buhay ng mga nagiging adik nito, at kawalang kakanyahan ng lipunang tumugon sa pangangailangan ng mga tao para sa higit na maayos na kalagayan ng buhay.

BE A BULATLAT PATRON

A community of readers and supporters that help us sustain our operations through microdonations for as low as $1.

Pin It on Pinterest