This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 5, March 4-10, 2007
DAGLI SA KRISIS
Paano Magbigay ng Masamang Balita? NI
ROLAND TOLENTINO Ganito magbigay ng masamang
balita:
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
O
“Hello, Ma’am”
“Hello, Garci? OK na ba ang mga boto ko?”
“Me problema, Ma’am. Wala pong mga sundalong
mangha-harass sa mga gurong nagbibilang sa munisipyo.”
“Ha, bakit, saan nagpunta ang mga sundalo?”
“Yung iba po, private army ng mga politiko.
Yung iba naman po, nangungurakot ho sa illegal logging. Yung karamihan po, nasa
operations.”
“Anong operations?”
“Yung Oplan Bantay Laya 2 ninyo po. Dinamihan
ninyo kasi po ang target na papaslangin.”
“Pero pinapa-low profile ko na iyan. Ang daming
naiirita na—ang Amnesty International, Finland at UN special rapporteur, pati
ang Melo Commission.”
“Yan na nga po ang problema, Ma’am.”
“Bakit naman?”
“Wala na pong kumakampi sa inyo.”
“Akala ko ba ay 95 percent ng lokal na
pamahalaan ay kontrolado natin?”
“Eh kulang na raw pampadulas ninyo.”
“Eh di mangutang sa IMF.”
“Ang laki na raw po ng utang ninyo. Sa
katunayan, pinakamalaki raw kayong administrasyon na umuutang.”
“Garci, mahalaga itong eleksyon. Hindi ako
pwedeng matalo.”
“Paano ho kayo matatalo pa eh talo naman po
talaga kayo?”
“Kaya nga nandiyan ka eh!”
“Pero kapag gipitan naman po eh pinawawalang
bula ninyo na lang ako.”
“Hindi ba sinusuportahan ka naman sa iyong
pagtakbo?”
“Eh sino pa ho ang maloloko ko?”
“Aba, tignan mo ako, ang dami ko pa ring
naloloko!”
(Ang unang bahagi ay mula sa email na ipinadala
ni Junjun Sta. Ana, 3 Marso 2007.) Bulatlat
------------------------------ (Ang maikling
kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon
ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring
dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang
pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.) © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Bulatlat
Kumiriring ang telepono nang madaling araw....
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaga niyong
parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay!
Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanya ng bulok na
karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahat sila sa
pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po 'yung isang nakasinding
kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na kumalat ang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung
kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng isang gabi, walang
kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."