This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 7, March 18-24, 2007
Inilathala ng Bulatlat © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Ni Rey Tamayo,
Jr.
Inilathala ng Bulatlat
Bagama't malaya bilanggo ang isip
Sa bangis ng takot na mula sa hukay;
Ang hapong katawan ngayo'y ginigipit.
O' kasalanan ba maging taga-akay?
Ng tunay na batas pilit pinapatay;
Bagama't malaya bilanggo ang isip.
Sa minsang pagsigaw, paghingi ng gabay
Ang naging kapalit hapdi n'ya ring latay;
Ang hapong katawan ngayo'y ginigipit.
Mata'y piniringan ng pighati't lumbay
Bibig binusalan tinunggab ang tibay;
Bagama't malaya bilanggo ang isip.
Tinanikalaan ang paang pangsuhay
Ginapos ng luha itong mga kamay;
Ang hapong katawan ngayo'y ginigipit.
Pano pa aalpas hustisyang mahalay?
Kung ang nag-aabang ay banta ng lamay.
Bagama't malaya bilanggo ang isip,
Ang hapong katawan ngayo'y ginigipit.