Ikinadismaya rin ng Tanggol Wika PUP ang napipintong pagtatanggal ng mga katutubong wika sa mga paaralan matapos aprubahan ng mga Senador sa pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 2457. Kung maisasabatas , matitigil na ang paggamit ng unang wika o mother tongue bilang midyum ng pagtuturo sa mga Kindergarten hanggang ikatlong baitang.