Sa pagsulpot ng mga Community Pantry sa buong kapuluan, nagkaroon ng bagong hugpungan o pagkakatagpo-tagpo. Sa hugpungang ito, matingkad ang diwa ng kolektibismo na may potensyal na makipagtalaban sa gutom, karahasan at pandemya. Litaw rin ang materyal na pag-iral ng use value (laban sa exchange value) upang makamtan ng mamamayan ang kanilang mga pangangailangan.