Tags: Konteksto

Organisasyon

PALIPARANG HONG KONG, Tsina – Sa loob ng ilang oras, darating na ang eroplanong pabalik ng Maynila. Sa wakas, matutuwa na ang mga “pinagkakautangan” ko. Huwag po kayong mag-alala. Hindi po ito usapin ng pera. May mga utang po kasi akong artikulo, pahayag, interbyu, lektyur, seminar-workshop at kung ano-ano pa sa mga susunod na araw,…

Sa likod ng kamera

Sadyang tinatago sa makukulay na termino ang sitwasyong napakasaklap para maging katanggap-tanggap. Hindi ito kakaiba sa kamerang nagbibigay ng ilusyon ng pag-unlad kahit na kabaligtaran ang realidad. Hindi nasasapol ng kamera ang lahat ng nangyayari, lalo na ang sitwasyon sa likod nito.

Bukas na liham sa tinaguriang ‘bobotante’

Walang bobo, walang matalino. Pero may walang pakialam at may patuloy na lumalaban. Posibleng mataas ang iyong pinag-aralan pero komportable kang patuloy na inaapi ang maraming mamamayan. Puwede namang hindi ka nakatuntong sa anumang pamantasan pero nasa utak at puso mo ang pinagdaraanan ng mga pinagkaitan. Hindi na mahalagang tanungin kung sino ang ibinoto mo…

Politika ng pagmamaneho

Mahigit isang dekada ko nang minamaneho ang sasakyang mahigit dalawang dekada na ang edad. Kinaiinisan tuwing nasisiraan noon pero maaasahan kahit luma na ngayon. Iba pa rin ang pagkakagawa ng mga sasakyan kasi noon dahil sadyang matibay pa rin ngayon. Tulad ng malalim na pagsusuri sa pambansang kalagayan, kailangan lang ng ibayong pagbabantay para masiguradong…

DDoS at ang oras ng pagtutuos

Internet traffic, bandwidth, online user, DDoS, VPN, IP address, server logs at kung ano-ano pa. Masyadong teknikal ang mga termino kaya mahirap maintindihan ng ordinaryong tao. Paano ba ipapaliwanag ang pinagdaraanan ng ilang website ng alternatibong midya? At higit sa lahat, paano ba iuugnay ito sa kalayaan sa pamamahayag? Noong nakaraang taon, nakaranas ang mga…

Teknolohiya at seguridad sa ating online na buhay

Huwag masyadong umasa sa bagong teknolohiya at maging sobrang maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon. Kung kailangang makipag-usap sa isang tao at malapit lang naman siya, huwag nang gumamit ng high-tech na gadget at direkta nang makipagkita sa kanya. Iba pa rin ang personal na interaksyon kahit na may bagong teknolohiyang nangangako ng personal na ginhawa.

May mga ginagawa naman ang pamahalaan para bigyang-solusyon ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Ang tanong lang siyempre ay kung sapat ba ang mga ito para makatulong sa mga tao. NI DANILO ARAÑA ARAO Konteksto / Pinoy Weekly Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 15, May 18-24, 2008 May mga ginagawa naman ang…

May pagkilala man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin ginagamit ng pamahalaan ang salitang “krisis” para ilarawan ang problema natin ngayon sa suplay ng bigas. NI DANILO ARAÑA ARAO Konteksto / Pinoy Weekly Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 12, April 27-May 3, 2008 May pagkilala man sa problemang kinakaharap, mapapansing hindi pa rin…