Lindol
Mahalaga ring tingnan na ang kalimitang nagiging biktima ng lindol ang mga sektor na bulnerable at walang kakanyahang makaaagapay sa dagdag na pahirap na idudulot ng kalamidad. Kung ang isang maralita, naulila, walang trabaho, at walang tirahan ang mabiktima ng lindol, higit na magiging trahedya ito sa kanya at maaaring magdulot ng higit na kahirapan na magdadala sa kanya sa kalagayang hindi na makakaahon. Dito dapat papasok ang institusyonal na suporta sa mga nasalanta.