Ni RAUL FUNILAS Inilathala ng (Bulatlat.com) Habang may ugat na natatabunan ng tigang na lupa At nadidilig ng mahibik at mahikbing luha, Patuloy na susupang, mamamalumpong at magdadagta Ang bagong sibol na mandirigma Upang kamtin ang paglayang inaadhika Ng isang bayang dinudusta.
Tags: RAUL FUNILAS
Ang Panauhin
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng (Bulatlat.com) May kaba ang pintig Nang may panauhing sa hangi’y umibis, Di nagpahiwatig At bumukas kusa ang pintuang pinid. Di ito inunang, Sansaglit umupo sa hapag kainan; ‘Sangyapos na suman Na aming niluto’y nasa lalamunan. Lambanog-matapang Ay dagling naglinab, pumakla’t tumabang. Magpugay ay wala Nang ang bisita ko ay biglang…
Paglulon ng Alon
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 15, May 18-24, 2008 Naaanod ang palipod sa may laot, Sumusunod pasapusod nitong agos; Gumagaod gawing timog, Maninibog Na may suklob na salakot at may kutob- Buburabok ang lukaok na kumislot. Ikinunday kanang kamay. Idinawdaw Na palantaw sa malinaw na tubigan Ang panggalay na may kulay…
Pagluluno ng Agila at Dragon
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 11, April 20-26, 2008 Ang lupa nati’y tinaniman ng apoy ng puting unggoy, At ang inani nati’y nagbabagang tansong pananaghoy. Ngayon, muling tinataniman ng nagliliyab na dragon. Anong aanihin natin pagdarapithapon? Iyan ang tanong! Isang text message ng boss ko sa aking celfon: “Tata, bring ka…
Walang Awit ang Ibong Hindi Malaya
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 8, March 30-April 5, 2008 Ikulong mo man ang ibon sa hawla at gintong moog, Busugin sa milagrosang palay na ipon sa bukot; Oliba mang gintong lawrel ang aranyang ibinalot Nais pa ri’y kalayaa’t papawiri’y umimbulog— Galain ang buong mundong humihingal sa pag-ikot. Ligalig ang kaisipang…
Sa Quezon Avenue Humahapon ang Nahapong Ibon
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 49, January 20-26, 2008 “Sa Kalsadang nagmumura ang kalapating dala na— h’wag bibili ng ligaya; dahil ang sukli’y pangamba.” Isang dapithapong malambot ang moog Na yapos binalot ang kalsadang lipos Yaong kasikatan sa ibong nagyupyop Na ang labi’t kilay ay tadtad at balot Ng bawigang lantik…
Eksena
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 30, September 2-8, 2007 Lumalagaslas na talon sa parang ng laot Ang kuluting along walang dalampasigang mayayapos. Gahiblang buhok ang agwat sa buhol ng trapik Ng sari-saring sasakyang hindi umiimik sa SLEX. Dipang lumalakad nang paluhod ang matandang babaeng Ang serbisyong dasal ay inarkila para sa…
Ang Perigrino
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 29, August 26-September 1, 2007 Isiniwalat mong isa kang Perigrino. Kung tunay kang Perigrino, ipakita mo at patunayan ang pagkapudpod ng mga lansangan sa kalunsuran Kaparangang hindi malipad ng uwak ang layo At matatarik na bulubunduking hindi makatangi sa kalyo at lintos ng iyong sakong. At…
Dakila ang Pilipino
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 28, August 19-25, 2007 Dilang nag-aalab ang dulo ng baril, At espadang gasang sa muog ng buhay; Kapingkia’y kapwa Pilipinong tunay Igting ng labana’y maraming nakitil. Liyab nitong apoy ay hindi mapawi, Angaw ang nagdusa na ating kapatid; Ang bayan ni Huwan ay palaging sawi Na…
Ako’y Alabok Lamang
NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 27, August 12-18, 2007 Gunitang naglayag hanap ay alabok Na dating dumapyo’t sa aki’y humagod Noong ang panaho’y hindi nasaakop Ng bagong milenyong dagling umimbulog. Ngayo’y natitimbon sa pukas na daang Sinalisalisod ng paang magaspang, Tanging ipoipo ang nagpapatunghay Upang manalakay sa gawing kanluran. Ngayong humahaplos…