(Pakikiisa sa laban ng Palestinian sa Gaza) Ni NONILON V. Queano 17 July 2014 / New York City Hindi ko iniisip sumulat ng tula Tuwing mapapanood ko Ang mga musmos at walang muwang Na nagawak ang laman, Dukal ang bungo, luwa ang utak, Tila nilapa’t piniraso ang katawan, At nangagbulagtaan Pagkaraang mapuruhan ng bomba’t bala…