Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Volume 3,  Number 33              September 21 - 27, 2003            Quezon City, Philippines


 





Outstanding, insightful, honest coverage...

 

Join the Bulatlat.com mailing list!

Powered by groups.yahoo.com

Gawad Ka Amado 2003

TEMA: MAPAGPALAYANG SINING

SA PAGPAPATULOY NG PAKIKIBAKA NG ANAKPAWIS”

Sentenaryo ni Ka Amado, Makabayang Artista at Lider Anakpawis

Sumali at magwagi ng anuman sa mga sumusunod:

• Unang Gantimpala: Php 15,000 at Tropeo na gawa ni Rey Paz Contreras 

• Ikalawang Gantimpala: Php 10,000 at tropeo

• Ikatlong Gantimpala: Php 5,000  at tropeo

Mga Alituntunin

Ang GAWAD KA AMADO ay patimpalak na nagtataguyod ng makabayan at mapagpalayang sining. Ito ay bukas sa lahat na nagnanais na mag-ambag ng kanilang malikhaing gawa.

Ang lahat ng lahok ay tatalakay sa interes, mithiin,buhay at pakikibaka ng manggagawa at sambayanang Pilipino alinsunod sa tema ng timpalak.

Nahahati ang mga lahok sa apat (4) na kategorya — tula, awit, maikling kwento at komiks.

TULA

Ang isang lahok sa tula ay hindi lalampas sa isang (1) piyesa na hindi lalampas sa tatlong pahina ang haba. 

AWIT

Hindi dapat lalampas sa limang (5) minuto ang mga lahok sa awit. Hindi kinakailangang may kasabay na gitara o anumang instrumento. Kailangang naka-teyp ang mga lahok na rasonable ang kalidad ng pagkaka-rekord. Maaring makinilyado o kinompyuter ang lyrics ng awit sa short bond paper. Maaari ding magsali ng mga lahok na halaw o hango sa popular na himig/tono.

MAIKLING KWENTO

Ang mga lahok sa maikling kwento ay hindi kukulangin sa isang buong pahina at hindi hihigit sa limang (5) pahina.

KOMIKS

Ang mga lahok sa komiks ay dapat may sukat na 8½" x 11" na may minimum na bilang ng apat na (4) pahina. Maaaring colored o black & white ang mga lahok at maaaring gumamit ng kahit anong midyum. 

Lahat ng lahok ay dapat nakasulat sa wikang Filipino.

Maaaring sumali sa alinman kategorya ngunit hanggang sa tatlong (3) lahok lamang sa bawat kategorya ang maaaring isumite. Kung balak magsumite ng higit sa isang lahok kinakailangang gumamit ng magkakaibang sagisag-panulat para sa mga lahok. Isang gantimpala lamang ang ibibigay sa lahok na gawa ng dalawa (2) o higit pang tao.

Ang bawat lahok ay dapat orihinal at hindi pa nailathala sa anumang pambansang publikasyon o nanalo sa alinmang paligsahan.

Maaaring makinilyado o kinompyuter ang mga lahok sa short bond paper .

Sa pagsumite, kinakailangang may kalakip na GKA 2003 form ang bawat lahok kung saan isusulat ang mga sumusunod na detalye: tunay na pangalan, sagisag-panulat, pamagat ng lahok, kategoryang sinalihan, tirahan, numero ng telepono o iba pang paraan para makontak kung meron, grupo o samahang kinabibilangan at maikling salaysay ukol sa may akda.

October 24, 2003 ang huling araw ng pagsusumite ng mga lahok. Kung nakakoreo ang mga lahok at dumating ng lagpas sa huling araw ng pagsusumite, tatanggapin pa rin ito basta’t natatakan lamang ito sa post office bago o sa mismong araw ng nasabing petsa. Tatanggapin lamang ang mga lahok kung ito ay personal na isusumite o ipadadala sa pamamagitan ng koreo. Maaring magsadya o ipadala ang mga lahok sa AVHRC,#3B J. Bugallon St., Project 4 Quezon City,1109 Philippines.

May karapatan ang AVHRC na ilimbag at gamitin ang mga nagwaging likha sa anumang paraan at layuning nais nito.

Ang mga nagkamit ng unang gantimpala sa mga nakaraang Gawad Ka Amado ay hindi na maaaring sumali sa kategoryang pinagpanalunan.

Ang desisyon ng hurado ay pinal.

Para sa iba pang detalye tumawag sa

AMADO V. HERNANDEZ RESOURCE CENTER

Telefax 4219427

o magsadya sa 3B J. Bugallon St. Project 4, Quezon City, Metro Manila

Back to top

Related article:

CULTURE -Rousing Patriotic Performances Mark Ka Amado’s Birth Centennial

 


We want to know what you think of this article.