Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 26      August 6 - 12, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

   

TULA (POETRY)

Martial Rule

NI Rey Tamayo Jr.
Inilathala ng Bulatlat

Sa bawat paghakbang ng nag-aalangang mga paa.
 

Dala-dala'y takot at pangamba sa puso na nangyayanig,
Isipan nama'y waring dinudurog ng mapanggipit na alalahanin.


At itong mga mata ko ay natatakot nang tumingin sa paligid
Sa pagkadupilas ng paningin sa madugong pangitain,
Kaya't ang salamin ng katotohanan animo'y pinipiringan.


Matitipunong mga kamay laging ikinukumo
Dahilan sa galit na laging ipinupukol,
Dating malayang kamao ngayo'y ikinukulong
Ng mga posas at ng tanikalang mga bakal.


Isang dipang pag-asa ay hindi mo na matanaw
Sa gitna ng nahahawakang dilim at pusikit na panahon,
Kahintakutan ang idinidikdik sa bawat taong lalaban
Sa puwersa ng rehimeng at dinastiyang  mga  lider;
Anupa't ipapaslang ang pipiyok sa pamamahala.


Ang dating matapang at malayang tinig
At ang alingawngaw ng paghahayag ng katotohanan.
Sa EDSA man o Mendiola ngayon ay nasaan?
Dahilan ba sa takot kaya't hindi maapuhap
Ang malakihang pagpupulong ngayong dagling tinitibag,
Upang ang lakas ng puwersa hindi na makapaglayag.


Ang pamamahayag ng tinta at imprenta
Unti-unti nang sinasakal ng berdugo't maninila.
Karapatan sa pagsusulat ibayong nagdurusa
Sa piling ng mga pugante na gahaman sa kapangyarihan.
Itong pulisya at mga sundalo sunud-sunuran sa liderato
Na sa kung anong layon sa tungkuli'y ba tumutugon?
Taong baya'y kimi sa batas militar na pangulo.

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.