Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 41      Nov. 19 - 25, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Trivia ‘bout Diff’rent Universities, Colleges in RP
(Walang Pikunan. Joke Joke Joke Lang!)

NI ROLAND TOLENTINO

Bulatlat

 

Mahirap Lahat

 

Sa UP, mahirap ang Math.

Sa Ateneo, mahirap ang English.

Sa La Salle, mahirap ang parking.

Sa Assumption, mahirap ang walang pera.

Sa UST, mahirap umuwi kapag baha.

Sa St. Scho, mahirap sumakay sa LRT.

Sa San Beda, mahirap maging lalaki.

Sa bayan, mahirap ang buhay.

 

Where To Go To College?

 

If you have a lot of brains and a little money, go to UP.

If you have some brains and some money, go to Ateneo.

If you have no brains and lots of money, go to La Salle.

Pero kapag nagtaas na sa komersyal na antas ang matrikula sa UP, kahit may utak ka kung wala kang pera, wala ka nang mapupuntahan.

 

Christmas Spirit

 

A few days before Christmas, the Monsignor thought it would be a good idea if he solicited the support of a number of the Catholic schools to get together to create a Nativity Scene in time for the Christmas Mass. The day before Christmas, the Monsignor discovered that the Nativity Scene was still incomplete so he made a few inquiries on why this was.

So Ateneo reported it would come up with only two and not three wise men.  La Salle reported it couldn’t come up with even a single wise man.  Maryknoll reported it couldn’t come up with a single virgin. San Beda reported that it could only come up with three wise gays. UP reported that they killed the three wise men.

Kung si GMA ang tatanungin, nabili na niya ang tatlong hari para hindi siya i-impeach.  Kung militar, ay! tignan na lamang ang kulang sa 800 na politikal na pinaslang.

At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko, tayo ay magbigayan.

 

Pasikatan ng Gradweyts

 

UP:  A number of past Philippine presidents graduated from UP. Presidents Roxas, Quirino, Laurel, Garcia and Marcos, to name just a few!

 

Ateneo:  Hah! That’s nothing, a number of Ateneo graduates became national heroes like Jose Rizal, Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Antonio Luna, Evelio Javier and many others.

 

UP:  That just goes to show you, UP graduates become presidents and lead countries while Ateneans end up getting shot!

 

La Salle:  Wala ‘yan.  Talo kayo sa mga gradweyt namin!

 

UP & Ateneo:  Bakit, sino ba mga graduates ninyo?

 

La Salle:  Aba!  Marami kaming sikat na gradweyts:  si Gary Valenciano, Dingdong Avanzado, Ogie Alcasid, Monsour del Rosario…

 

Paaralan ng Lansangan:  Edgar Jopson, Emmanuel Lacaba, Lean Alejandro, Karen Empeño….  (idagdag ang iba pang pangalan).

 

How To Identify A La Sallite

 

                Pumasok sa isang tindahan sa Megamall ang isang La Sallite at nagsabi, “Miss, pabili nga ng green parrot, please.”  Tumingin sa kanya ang saleslady at nagtanong, “Sir, taga-La Salle ba kayo?”

                “O, bakit mo naman natanong ‘yan?  Kung umorder ba ako ng blue cheese ay taga Ateneo na ako?  I don’t think so.  Kung ako ba ay bumili ng maroon na t-shirt, ibig bang sabihin noon ay taga-UP na ako?  I think not.  Kung nagtanong ba ako ng red dawn ay taga-Paaralan na Lansangan na ako?  Me thinks not.  Kaya bakit mo ako tinatanong kapag bumibili ako ng green parrot kung taga-La Salle ako?”

                “E sir,” sagot ng saleslady, “flower shop kasi ito.”

 

Paano Mo Alam Kapag Nakita Mo?

 

                Sa isang malaking party ng Philippine Society of Colleges and Universities, and Pangulo ng Board ay nagtaka kung ano ang mga partikular na eskuwelahan ang dumalo sa malaking selebrasyon.  Kaya nagtsek siya sa pinagaganap na bahay, at hulaan ninyo kung ano ang nakita niya at kung saan niya nakita ang mga ito?

                UP Diliman – ang lahat ay nakapila sa hanay sa attic para magkaroon ng fraternity ritual

                UP Los Baños – nasa hardin at naggugupit ng damo

                UP Manila – lahat ay “naka-droga”

                Ateneo – nasa loob sila ng TV room na may mikropono at nagtsa-chant ng “Blue Eagle” spelling

                La Salle – nag-uusyoso sila

                San Beda – ang iba ay katabi ng Ateneans, ang iba ay katabi ng Paulinians

                St. Paul – akala nila ay ang katabi nila ay taga-Ateneo

                La Consolacion – gusto sana nilang maging Paulinians

                Holy Spirit – gusto nila ang Paulinians

                Mirriam – katabi sila ng kwarto ng Ateneans, tulad ng dati

                Assumption – nasa loob sila ng banyo tatlong oras na simula nang dumating sila

                St. Scholastica – sila ang nakapilang kasunod na gagamit ng banyo

                CEU – ang iba ay naghuhugas ng pinggan, ang iba ay busy na naglalaba

                St Louis – lahat sila ay nasa harapan ng air con

                UE – hindi nila alam kung ano ang air conditioner

                UST – nakakalat sila sa bahay

                FEU – wala sila sa bahay

                MLQU – ay! hindi sila imbitado.

                San Sebastian – paano sila nakalusot sa mga gwardya?

                Letran – sila ang mga gwardya

                Mapua – busy sila sa pag-ayos ng tulo sa bubong

                TIP – sila ang nambato sa bubong kaya tumutulo

                NU – nasa labas sila ng bahay at nagbebenta ng sigarilyo

                JRC – sila ang bumibili ng yosi

                Adamson – nagpunta na lang sila sa Luneta

                Sta. Isabel – sila ang mga date ng taga-Adamson

                CRC – “para saan ba itong party na ito?”

                PSBA – “ano ba ang CRC?”
                NCBA – “ano ba ang NCBA?”

                AMA – pinaparada nila ang Jolina posters

                Paaralan ng Bayan – nagmi-meeting sila sa kabilang kwarto, nagplaplano ng rally.

 

A Murder Mystery (to be solved solely on the basis of pure logic)

 

Sino ang pumatay?

Mga pinagsususpetsahan: 

The Humble Atenean

The Bright La Sallite

The Innocent Maryknoller

The Unaffected Assumptionista

Ang Aktibista sa Klase

The UP Graduate

Ang maysala:  The UP Graduate

Ang lohika:  Wala namang humble na Atenean, matalinong La Sallite, inosenteng Maryknoller, hindi naapektuhan na Assumptionista, at Aktibista sa loob ng klase.

 

Bulatlat

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.