LIHAM
NG ISANG LABANDERA KAY ATE GLO
Mahal
na Ate Glo,
Kumusta
na po kayo?
Labis-labis
po ang aking tuwa
Nang ikarangal niyong labandera
Ang mahal niyong lola
Pagkat walang biro, hanapbuhay ko rin ay labada.
Kaya't
tiyak kong alam niyo ang sagot sa aking tanong.
Magkano na nga ba talaga ang isang bareta ng sabon?
At magkano ang aking bawat kuskos, aking bawat piga?
At paano, paano magkakasya ang kapirasong kita?
Ang
pangako ba ay ano ang halaga?
Kung ang suweldo sa pabrika'y dodosyentos singkuwenta?
Ang pagpalit ba ng pangulo'y paano naiba?
Kung ang lupa'y wala pa rin sa nagsasaka?
Huwag,
huwag akalain
Na kapag ang sarili'y inyong tawagin
Na Gloria Labadera, ay kaya niyo nang arukin
Bawat guhit sa palad naming magaspang,
Bawat hirap na pasanin.
Sa
pagbigay ng ulat, inyo sanang maalala
Na kami'y nakababad pa rin sa batya
ng dalita,
Kung ang muling pangako ay magiging bula,
May bayang uusig sa bibitawang salita.
Pagkat
ang nasa Malakanyang man ay magpalit-palit
Siga man sa kangkungan o labanderang nagkukusot sa batis,
Kapag ang bayan ay hindi na kayang, sa gutom ay magtiis,
Huwag kaming sisihin kung piliing maghimagsik.
Joi
Barrios, Ph.D.
Kasapi, CONTEND (Congress of Teachers for Nationalism and Democracy)
Ika-22 ng Hulyo 2001
We
want to know what you think of this article.
|