Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Issue No. 31                        September 16-22,  2001                    Quezon City, Philippines







Join the Bulatlat.com mailing list!

Powered by groups.yahoo.com
DEMOCRATIC SPACE
Hinggil sa Welga sa Adamson University

NG ADAMSON UNIVERSITY FACULTY AND EMPLOYEES ASSOCIATION (AUFEA)

Nagbalik na sa trabaho ang mga guro at kawani ng Adamson University. Ito ay matapos silang sampalin ng return to work order ng DOLE ng wala namang nareresolbang usapin, CBA man o ang pagsibak sa trabaho ng limang opisyal ng AUFEA. Masakit mang isiping labag sa loob ng mga miyembro ng AUFEA ang pagsunod sa order, inisip ding baka lalong ma-antagonize ang DOLE na dapat ay tumitingin sa kapakanan ng mga manggagawa.

Walang napirmahang CBA, ibinalik hanggang sa pagtatapos ng semestre na lang ang mga opisyales na sinibak at binawasan ng pitong araw na suweldo ang mga kawani ng Adamson ngunit nananatili pa rin sila sa kanilang ipinaglalaban. Ang mga opisyales ay mananatiling maglilingkod ayon sa kanilang term at mandate noong sila ay mahalal. Ipagpapatuloy ang laban sa anumang makatarungang paraan hangga't hindi nakakamit ang hinihinging pagpirma sa CBA. Sa legal battle man ay naghain na ng Motion for Reconsideration na may kinukuwestyon ang hindi makatarungang desisyon ng DOLE. 

Habang umiikot ang kaso sa Labor, ipagpapatuloy ang pakikibaka sa hanay ng lalong lumalakas na unyon sa Adamson. May mga eskuwelahan nang susunod at susuportahan din namin upang ipakita sa kasaysayan ng unyonismo at paggawa ang nagpapakumbabang ginampanan ng AUFEA sa laban ng mga manggagawa. Nanawagan kami sa mga kinauukulan na suriin ang kapangyarihan ng Secretary of Labor na mag-Assumption of Jurisdiction (AJ) at return to work order na maaari din namang yumururak na sa lehitimong karapatang magwelga. 

Nagpapasalamat din kami sa mga suporta at pang-unawa ng aming mga magulang at estudyante sa mapayapang laban na ito. Ang Adamson University Student Government ay nanawagan ng BOYKOT ARAW-ARAW bilang sagot sa mga sinibak na opisyales. 

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA! MABUHAY ANG AUFEA! MABUHAY ANG KATARUNGAN!


We want to know what you think of this article.