TULA (POETRY)
Dugo’t
Punglo
(Alay
sa mga napatay sa Hacienda Luisita)
Ni
Tata Raul G. Funilas
UP-Diliman
Magkakasundo,
Ang dalawang panig;
Ang langit at ang lupa.
Walang napagkasunduan,
Ang langit ay natulog
Ng ubod himbing.
Ang lupa ay hindi,
Bagkus ito’y nagpuyat;
Upang pagputiking malapot
Ang natitigang nilang putik
Sa lupang sinilangan.
Nobyembre 16, 2004, alas tres y doce ng
hapon,
Sinundo ni kamatayan sa naglulusak na
putik
Ang mga sakadang doon na isinilang
Sa nilulusak nilang putik .
Doon na lumaki,
Bumalagat ang bisig
At kuminag ang ligating balat.
Si Jesus Laza, John David,
Jimmy Pastidio, Juancho Sanches,
Adriano Caballero Jr. at Jessie Valdez.
Nagkasundo silang hindi matitinag sa
hanay,
Na magtatampisaw sa lupang kanilang
pinagpuputik;
Kahit ang sumundo sa kanila’y si
kamatayan.
Sa harap ng labing dalawang libong
taong sakada,
Sa harap ng pitong daang pulis at
batalyong militar;
Galing sa 69th IB, bumuga
ang apoy na susundo
Sa mga manggagawang bukid ng Hacienda
Luisita.
Ang azucarerang hindi man lang
nakatikim ng pangako,
Ang lupang tubuhang hindi nakatikim ng
umiral na batas;
Ang batas na dapat ipamudmod sa
mananabas ng tubo.
Ang lupang binungkal ng kanilang
ninunong ulani’t
Arawin sa asyendang dinilig nila ng
pawis.
Ngayon, dugo ang idinilig sa lupang
walang batas,
Ang lupang hindi nasaklaw ng batas ng
agraryo.
Nobyembre
20, 2004
Bulatlat
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |