TULA (POETRY)
Katas
ng Tubo
(Alay
sa mga napatay sa Hacienda Luisita)
Ni
Tata Raul G. Funilas
UP-Diliman
Tanging ikaw lamang ang pamana ni Apo,
Sa paninigasig mo nabubuhay ang aming
buhay,
Sa tuwing tumatawing ang iyong lunting
dahon;
Sa tuwing humahagahas ang hishis ng
iyong halas
Sa tuwing naninigasig ang iyong
katangkaran.
Hindi alintana ang kati, hapdi ng aming
katawan,
Hindi pansin ang lintos at lapnos ng
sakong at palad;
Hindi pinapapasok ang pusok na nasa
dibdib.
Dahil ang daloy ng iyong katas
Ay lagi at laging nagsisilbing
Pukyutan ng aming mga punggok
Na pangarap.
Subalit habang nalalagtas ang luoy mong
dahon,
Habang iniipit ka ng gumigiyagis na
bakal
At pumapatak ang matamis mong katas;
Inaangkin kang lahat
Ng aming among pinagsasakadahan.
Ang nalalagtas sa ami’y luha ng
pangarap,
Ang naluluoy sa ami’y ang bikil at
balagat;
Ang kumakatas sa ami’y isang
balumbong along pawis.
Ngayon, ang sa iyo’y nagmamahal na
sakada’y
Binababag ng bagabag ang lumigwak na
utak,
Pulang dugo’y
kumatas at pumatak;
Upang ang tigang na lupang
ipinangako’y
Madilig ng aming sariwang dugong
natigmak.
Dito sa aming lupang sinilangan:
Ang Hacienda Luisita.
Nobyembre
20, 2004
Bulatlat
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |