Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. V,    No. 12      May 1- 7, 2005      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

Poetry

Bayani ng Anak-Pawis

 

Ni E. San Juan, Jr.

 

Mabuhay ka, Ka Rolando Olalia!

Mula rito sa bituka ng hayop, bumabati kami sa iyo

                                                sa umpisa ng iyong mahabang paglalakbay—

Pinaslang ka ng mga pasistang duwag—saan sila nagtatago?

Saan nagkukubli ang mga alipores ng militar?

Tumambad ka’t humarap, matapang na bayani ng masa,

            sa larangan ng pakikipagtunggali,

                        sagisag ng lipunang ating ipinaglalaban,

                                                bukas ang puso sa pag-asa’t pagmamahal,

Kasamang Rolando, narito kami ngayon sa harap ng iyong bangkay.

Alisin ang talukbong

                                                Tanggalin ang saplot

                                                                                                Hawiin ang tabing

Ibunyag ang katotohanan

Ibilad ang sekreto ng panghuhuthot at pagsasamantala sa manggagawa

Kahit saan man sila magtago—sa bituka ng hayop o sa lungga’t sulok

            ng Clark Field o Subic Naval Base

                                                                                    matutuklasan sila:

                                                            mga pasistang duwag, mga bayarang alipin.

Matatagpuan sila--

Masasaksihan ng masa ang krimeng hindi mapapagbalatkayuan

            ng mga ngiti nina Cory o Cardinal Sin—

                        ngiting nabahiran ng dugo ng ilanlibong anakpawis

                                                ilanlibong biktima sa Negros, Samar, Mindanao—

 

Kasama mo kami, Ka Rolando

     sa prusisyong ito

sa pagburol ng bangkay ng sistemang

mandaraya’t anong lupit!

 Oo, ikaw ang tunay na hindi nag-iisa

            sapagkat ilanmilyong Pilipino ang kasabay mong tumatawid

                        tungo sa pagbabagong-buhay, taas ang noo’t nakatitig sa araw

                                   

                                                ng katotohanan at katarungan, sinasalubong

ang paghihimagsik mo ng  “Mabuhay, Ka Rolando Olalia!”

 

[ Midweek, 4 May 1988 ]

 

=================                             

Tungkol sa Awtor

 

Nailathala kamakailan ng Bucknell University Press ang isang bagong libro ng mga mapanuring sanaysay ni E. San Juan, Jr., katulong sa Philippine Forum sa New York at tagapamahala ng Philippines Cultural Studies Center, sa Storrs, Connecticut, USA.  Ang pamagat ng libro ay Working Through the Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice.

 

Ang nakaraang mga akda ni San Juan, ang Beyond Postcolonial Theory (Palgrave/Macmillan), at Racism and Cultural Studies (Duke University Press), ay lumikha ng magsigabong kontrobersiya sa loob at labas ng akademya.  Ang bagong aklat niya ay naglalahad ng matinik na kritika ng U.S. interbensiyon sa iba’t ibang lupalop ng daigdig na nakabalatkayo sa ideolohiya ng “globalized neoliberalism.”

 

Noong 2003, siya’y nagsilbing Fulbright professor of American Studies sa Katholieke Universiteit Leuven sa Belgium, at visiting professor of English sa Wesleyan University. Kamakailan, si San Juan ay naging visiting professor of literature and cultural studies sa National Tsing Hua University at nagpanayam sa pitong pamantasan sa Taiwan. Noong nakaraang taon inilunsad ang dalawang libro niya sa Maynila: Himagsik (De La Salle University Press) at Tinik sa Kaluluwa at iba pang akda (Anvil). 

 

Ang pagpupugay na ito kay Ka Rolando Olalia ay kasama sa bagong kalipunan ng mga tula niya: Sapagkat Iniibig Kita (2005) na inilathala kamakailan ng University of the Philippines Press. 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2004 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.