This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. V, No. 37, October 23-29, 2005
Ni Rev. Erahvilla M.
Maga-Cabillas
Summary execution…
Ambush… Salvaging …
Tawagin man sa iba’t-ibang salita
Pareho lang ang pagkahulugan: PAGKITIL NG BUHAY!
Buhay na kaloob, biyaya mula sa Maylikha
Buhay na inialay, pagsabuhay sa misyong dakila
Ni Kristo Hesus dito sa lupa.
Buhay na naging inspirasyon at halimbawa
Pagkalinga sa mga dukha, pagtatanggol sa mga
naapi
Paglilingkod sa kapwa, kasama ng masang
nakikibaka
Ngunit mga kampon ng mga demonyo ay naglipana
Saang sulok ng lipunang mapagsamantala
Pumapatay, kumikitil ng maraming buhay
Nakatago sa likod ng nagagandahang maskara
Maamong mukha, mapagkatiwalaan, kapani-paniwala
Mapagkunwaring mga Kristiyano puso raw ay puno
ng awa.
Mga proyekto at gawain ng simbahan, komunyon at
upuan
Kadalasan ay palaging nasa unahan
Ngiti rito, kaway roon, kamay sa mga tao kahit
saan man pumaroon
Pangako ay kasaganaan, pagtulong sa maralita ay
palaging nakabandila
Matatamis na mga salita kapani-panilawala
Hindi mapintasang pagmamahal daw sa kapwa
Mapagbantay mga kaibigan, kapanalig at mga
kasama
Huwag magpalinlang sa kanilang nagkislapang
maskara
Bagkus dapat maging bukas at mapanglikha
Sa pagbatid ng uring pinagmulan upang lubos na
makilala
Sino nga ba talaga at saan nakahilira
Mga Kristiyanong tapat daw sa kanilang
pananampalataya
Sinabi ni Jesus, na ang sinumang handa sa
pagsunod sa yapak niyang dakila
Pasanin ang krus, humarap sa mga pagsubok, buhay
man ay ialay,
Pagkain sa mga nagugutom, kalinga sa mga
nangailangan
Katarungan sa mga inaapi, paglilingkod sa bayan
Ito ang dalawang dakilang utos: MAHALIN MO
ANG DIYOS AT ANG IYONG KAPWA!
(Binasa sa vigil ni Fr. Tadena, IFI Tarlac City
- March 28, 2005)
Posted by Bulatlat © 2005 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA
(POETRY)
Ang Buhay na Dakila
Handog para kay Fr. William Tadena at sa lahat ng
mga nagalay ng buhay sa paglilingkod sa sambayanan ng Diyos
Posted by Bulatlat