Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 10      April 9 - 15, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Sa Unang Limang Oras ng Pagdinig sa Di-matapus-tapos na Tagisan ng Argumento sa Pagitan ng mga Numero at Alpabeto tungkol sa Kung Maaari Nga Ba na Bigkasing O(OW) ang 0(Zero)

NI LOLITO R. GO, JR.
Inilathala ng Bulatlat


Sa ikaanim na milyon, pitong daan, walumpu't siyam na libo, isang daan at dalawampu't apat na pagkakatao'y magtatagisan na naman ang mga bilang at titik

Tumitilamsik ang init ng tanghali, makapanikip-dibdib ang sikip, makapigil hininga ang tensiyon sa paligid, walang bait na dumating ang ilang mga panauhin,

Ika-anim ng Marso taong dalawang libo at anim

Tagpuan: Sa Mababang Kapulungan ng Alphanumeric

Pagkatapos ng lahat ng pormalidad tulad ng pananalanin at pag-awit ng katapatan sa panginoon nga mga bilang at titik, pagbanggit sa palatuntunan at ilang pagbati

sinimulan ang pagdinig

Unang binigyan ng pagkakataong makapagsalaysay ang sa panig ng mga
Numero.
Tumindig ang kanilang abugado:
(matipid ang ngiti, ang ulo ay tinatamad na kumakaliwa't kumakanang tila surveillance camera sa isang high-tech na bangko)

"Mga kagalang-galang na kasapi nitong magiting na hukuman, sa lahat
Ng naririto,
Isang magandang tanghali sa inyo"
(Magsusuot ng salamin, aalisin ang bara sa lalamunan)
(Bahagyang hihigpitan ang kurbata na wari'y hindi sanay sa ginhawa)

"Sang-ayon sa aking pag-aaral,
OWkey lang na bigkasing OW ang 0(ZerOW)
Sapagkat, makatitipid ka ng .0(OW)0(OW)30 seconds sa
Bawat pagkakataong bibigkasin mong OW ang 0(Zero)
That's what we call "convenience"
Sa isang libong pagbanggit, you spare 3 seconds
Of your life"
(mangingiti ang lahat ng kanyang kapanalig)

"Your honor"
(titindig ang tumutol na abugado sa panig ng alpabeto subalit pauupuin din siya agad ng hukom)
(lalamunin ng sunud-sunod na pukpok ang mga kasunod pa nitong paghirit)

"objection overruled, you may continue"
(sabay ngiwi ng judge)

"Thank you your honor"
{Nakangiting pagtugon ng pinanigang abugado}
(mabilis siyang tutungo sa kanilang lamesa, may kukuning dokumento)

"Buong pagmamalaking itinatanghal ko sa inyo ang
Exhibit one:
(Ipa-flash ito sa isang big screen habang binabasa ng tagapagtanggol)

"In an entire lifetime of an average human being, as we have thoroughly calculated, it has to at least speak of the word, I mean, number 0(Zero), 210, 000 times.

"your honor"
(makukulitan ang judge)

"overruled"
you are advised to refrain from interrupting,
no objections are entertained during the conduct of a privilege speech!
We shall arrive at interpolations if time permits."
(Mas kapansin-pansin ngayon ang pait ng tono)

"You may proceed gentleman"
(sumusungit ang mukha ng mga nasa panig ng alpabeto)

"Thank you your honor"
(mahabang buntonghininga)

"Considering the earlier account which states that
3 seconds shall be spared in each one thousand instance
of saying it OW instead of ZERO
It is mathematically suggested therefore that there are
roughly 70,000 seconds of our life
that could have been of more significant use

19 hours 26 minutes and 40 seconds shall be
wasted by saying it ZERO instead of OW"

(Lalakad siya) (dahan-dahan)
"LABING SIYAM NA ORAS" (mabagal ang bigkas)
(ililibot ang tingin sa plenaryo)
(mapapatango ang ilang deputado mula sa kampo ng mga numero)(mapapatango rin ang punong hukom)

"SADYANG MARAMING PANAHON IYON!" (sa pagkakataong ito'y madiin)
(mapapatangong muli ang mga kakampi)

"maaaring makapanood ka na ng sampung pelikula
makalikha ng limang tula, dalawang kanta, isang maikling
kuwento tungkol sa alamat ng sibuyas,
makalantak ng kalahating kilong tsokolate
habang nag-iimagine na ika'y hari o reyna, o sirena,
makakasiyam-na-pu't limang French Kiss ka na rin
sa jowa mong laging nagmamadaling umuwi
SA LOOB NG LABINSIYAM NA ORAS"
(palakas nang palakas ang tinig dito)
(parang tikatik ang palakpakan sa bulwagan)

"your honor, he is being irrelevant"
(tumindig muli ang tagapagtanggol ng mga alpabeto)

"and you are being obstinate"
(tugon ng hukom sabay pukpok)
"continue!"

"thank you your honor"
(itutuloy niya ang salaysay)

(matinis at papahina)
ilang parol din na yari sa straw ang matatapos mo within
such allotted time, mapag-iisipan mo pa nang husto ang number
combination ng pangarap mong jackpot sa lotto(mapapahiyaw ng WOW!
ang mga audience mula sa panig ng mga numero)
(order! Isisigaw ng hukom. Maglalabas ng menu ang isang waiter mula sa likod ng stenographer)
at makakagawa ka pa ng listahan ng mga babalatuhan
kung saka-sakaling palarin ka't tumama (huhupa ang ingay)
at makakagawa ka pa ulit ng listahan ng mga babatiin sa iyong acceptance speech dahil may kakayahan ka nang bilihin ang kredibilidad ng mga
judges sa isang literary contest na itatago natin sa pangalang "Palanca Awards"
(ang audience naman mula sa kampo ng mga alpabeto ay mapapahiyaw ng BOO!)
(order! Isisigaw muli ng nanggagalaiting hukom. Maglalabas muli ng menu ang isang waiter mula sa likod ng abalang stenographer)

(kukunin ito ng hukom, may ituturo siya mula sa inilabas na menu)(iiling ang waiter)

(magsasalita pa nang may ilang oras ang abugado ng mga numero) (aabot siya hanggang exhibit 12)(na-contempt of court ang abugado para sa mga titik) (nag-alburoto ang ilan sa mga audience) (nagkalat ang kamatis sa paligid)

hanggang sa...

"Our time is up, gentlemen!"
Bulyaw ng secretaryo
(kakamot sa ulo) (hindi siya sigurado)

"Adjourned"
segunda ng hukom
(may iniligpit na ilang papeles, tumayo at lumiban nang walang paalam)

(napakabilis ng mga pangyayari, simbilis ng paghagibis palabas ng judge)

"OW my Goodness! I am not yet thru! This is unfair!"
(Pailing-iling na babalik ang abugado ng mga numero sa kaniyang upuan)
(sumesenyas ng thumbs-up ang ilan sa kanyang mga kompanyeros)
(Subalit kunwa'y hindi niya ikinasiya ang kinahinatnan ng ilang oras na pagngakngak)

"Katarungan! Katarungan! Katarungan!"

(humahabol ng pagtutol ang nabalewalang koponan)
(nauna nang naglabasan ang mga nagdiriwang na bilang)

"Katarungan! Katarungan! Katarungan!" (dadaluyong ng mga panunumbat at pagbabanta sa buong paligid)

(papasok sa eksena ang isang 'di kilalang makatang itatago natin sa pangalang Lolito Go)(hawak niya ang isang mikropono, tila si Mike Enriquez ang diin at tono ng kanyang pagsasalita)(Walang makikinig sa kanya) (Madrama ang mga sumunod na tagpo) (Nangingilid ang kanyang mga luha) (Mapapanood siya sa isang live telecast sa ibang planetang itatago natin sa pangalang Mars)

"Mabuti pa ang mga numero, sila'y nakapagpahayag
Hindi tulad ng mga alpabetong naturinang mga letra
Sa bisa ng kapagyarihang mayorya
Ay hindi pinagbigyang makapangusap

May baluti ng istatistiko

ang kalabang mapanlapastangan

inaangkin ang lahat ng karapatan

nagdidikta ng sariling bigkas

Sa pagkakatong ito'y
Nanaig ang mga bilang
Subalit hindi pa natatapos ang laban
May hukumang naghihintay sa lansangan"

(Tuluyan siyang mapapaiyak) (May dadapong paru-paro sa kanyang balikat)

Posted by Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.