Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 13      May 7-13, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

   

TULA (POETRY)

Pag-aaklas 

NI REY TAMAYO, JR.
Inilathala ng Bulatlat
  

Palasak na wika ang salitang pag-aaklas
Dulot ng kawing kawing iba’t ibang kadahilanan.
Nagsisilbing panagot sa pang-aaping naranasan
At mga kabiguan sa mga taong pangahas.
Ngunit ang puhunan ng mga ito
Ay ang tapang at talino,
Upang maibagsak ang mapaniil na isipan.
Gumiba ng mga prinsipyo at kathang mapanlinlang
At maitindig ang paniniwalang totoo.
Ang adhikaing magpapalaya
Sa mga bilanggo ng pagkaapi. 

Pag-aaklas laban sa kamay ng berdugo
Upang itong buhay, makaalpas sa tanikala,
Anupa’t ialay kung minsan
Itong dunong at lakas.
Kahit na ang kapalit ay kagitla-gitlang kamatayan,
Dumaloy man ang dugo.
Sa kamay ng bala ng kalaban
Ang mahalaga’y hawak ang isang paninindigan:
Ang mabuhay tuwina
Sa marangal na bayan.
Kaluluwa nitong watawat ay ang pag-aaklas

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.