Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 18      June 11-17, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

 

   

TULA (POETRY)

Ang Taktika ng Pagpatay

NI GELACIO GUILLERMO

Inilathala ng Bulatlat

 

Ang taktika ng pagpatay

Ay pagpapasulong sa istratehiya

Ng pagkubkob at paglipol

Ng rehimeng hindi na makapaghari

Sa dating paraan

 

Sampung taon, anila, ang kailangan

Para sugpuin ang subersyon

Mananahimik na ang bansa’t

Patuloy na nakaluklok

Ang reyna sa kapangyarihan

 

Sa bukid at bundok

Ang pingkian ng armas at armas

Ngayon, maging sa lunsod at bayan

Pinupuntirya ang mamamayang

Tanging mga karapatan ang pananggalang

 

Ilang daan, ilang libo

Ang dapat patayin

Busalan, ikulong, bugbugin

Para tiyaking tagumpay

Ang kanilang istratehiya’t taktika

 

Bawat araw ay may dagdag

Sa bilang ng pinapaslang

Tayo’y nagdadalamhati pagkat sila

Ang tagabandila ng paninindigan

Ng mamamayan

 

May mga bagay

Na kailanma’y hindi kayang unawain

Nilang naghahari

Kung bakit ang bawat paglilibing

Ay martsa ng diwang hindi mapapaslang

 

Kung bakit, sa harap ng panggigipit

Patuloy ang mamamayan

Sa paggigiit ng kanilang lunggati

Walang makapipigil sa daluyong

Ng lakas nila’t pagkakaisa

 

Kung bakit hindi panukat ng lakas

Ang bunton ng kanilang pinapatay

O binabawian ng karapatan

Walang lakas ang rehimeng

Ang kaaway ay ang mamamayan

 

Binibilang natin ang bilang

Ng pinaslang ng rehimen

Sapagkat may dapat singilin

Walang patawad ang kasaysayan

Sa mga salarin

 

Binibilang din natin

Ang mga araw na itatagal pa ng rehimen

Pagkat ang taktika ng pagpatay

Na akala’y pansagip sa kanilang buhay

Ay kahinaang panghukay ng sariling libingan

 

Ang pagbuwag sa rehimeng bulok

Ay hindi na bago sa mamamayan

Binibigo nila ang istratehia’t

Taktika ng kaaway

Ng istratehiya’t taktika ng kanilang matwid

 

At tayo’y pinasisigla ng kasaysayan

Sapagkat ating alam

Sa hinaba-haba ng pakikibaka

Kung sino’ng susuko, sino’ng magwawagi

Sa malao’t madali

 

 

Binigkas ng makata nitong 8 Hunyo sa Bahandi, sa Tugma sa Laya II, ang ikalawang bahagi ng isang serye ng mga aktibidad ng Kilometer 64 sa pakikipagtulungan sa Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria) bilang ambag sa kampanya upang palayain ang tinaguriang “Tagaytay 5” na sina Axel Pinpin, Riel Custodio, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybañez at Michael Masayes

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.