Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 27      August 13 - 19, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Ang mga Ina at Anak ng Bayan

NI MARYJANE ALEJO
Inilathala ng Bulatlat


pasan na krus ang pag-aalala
sa anak ng isang ina.
at sa tuwing may pagkilos sa mendiola,
hindi mapigilan ang kabog ng kaba.

ilang ina na ba ang nangatog sa takot
sa mga balita ng kabi-kabilang pagdukot?
ilang ina na ba ang lumuha ng dagat
sa paghahanap sa anak na di na mahanap-hanap?
ilang ina na ba ang tinakasan ng bait
nang matikman ang katotohanang walang kasing pait?

pasan ang daigdig ng anak na tumindig
para sa masa.
at sa huling araw ng gera sa mendiola
ay simula ng kalayaan at demokrasya.

ilang anak na ba ang nakibaka at di natakot
sa pagpupunyaging baguhin ang lipunang buktot?
ilang anak na ba ang natuyuan na ng luha
sa pagkamanhid ng katawan sa bugbog at pasa?
ilang anak na ba ang walang awang pinaslang
pagkat sila'y nabuhay para sa paglaya ng bayan?

2006

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.