Stolen Shots
NI MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Tinawag nilang
camera obscura,
"babasaging
salaming may alaala"
ang maysa-de-gulat
na makinang
dumudukot ng mga
kaluluwa.
Ibinababad ang
huwad na liwanag
sa nakayukyok na
birheng kambas.
Doon naglalatak ang
mantsa
ng gutom, sakit, at
giyera…
Mahihirati sa
pagkaabstrakto
ang dayukdok na
potograpo,
kaya ihihilera ang
mga biktima
(sa black &
white, minudensiya'y
mga lagas na
aparato). Titimbuwang
ang tutugon, sa
senyas ng kanyang ngalan.
(Habang sinusulat ito, mahigit 700 sibilyan na ang napatay sa ilalim ng
pasismong Arroyo.)
Inilathala ng
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.