Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 36      Oct. 15 - 21, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Pagninilay-nilay

 

NI ROLAND TOLENTINO

Bulatlat

 

Koro 1:  Kapag napaliit natin ang populasyon ng mundo sa isang maliit na baranggay na may exaktong 100 tao, na nananatili ang namamayaning human ratio na pareho, ito ang magiging hitsura:

 

Mayroong

57 na Asyano

21 na Europeo

14 mula sa Western Hemisphere, parehong North at South

8 Afrikano

52 na babae

48 na lalake

70 na hindi puti

30 na puti

70 na hindi Kristiano

30 na Kristiano

89 na heterosexual

11 na homosexual

6 na magmamay-ari ng 59 porsyento ng kabuuang yaman ng mundo; lahat ng anim ay galing sa US

80 na nakatira sa substandard na bahay

70 na hindi makapagbasa

50 na may malnutrisyon

1 na malapit nang mamatay

1 na malapit nang manganak

1 na nakatapos ng kolehiyo

1 na mayroong kompyuter

 

Koro 2:  Kapag gumising ka ngayong umaga na mas malusog kaysa may karamdaman, isa ka sa mas nabiyayaan kaysa sa isang milyong hindi makakaligtas sa karamdaman ngayong linggo.

 

Kapag hindi ka pa nakakaranas ng peligro ng pakikidigma, kalungkutan ng pagkakulong, pagdurusa sa tortyur, o ang pagdanas ng matinding kagutuman, abante ka kaysa 500 milyong tao ng mundo.

 

Kapag nakakasimba ka nang walang takot ng harassment, pagkaaresto, tortyur o kamatayan, mas banal ka kaysa sa tatlong bilyong tao ng mundo.

 

Kapag may pagkain ka sa ref, damit sa iyong katawan, at barya sa bulsa, mabuhay! kasama ka sa nakakataas na walong porysento ng pinakamayaman sa mundo.

 

Kapag buhay pa ang pareho mong magulang at nananatiling kasal, tunay kang kakatwa, kahit sa US at Canada.

 

Kapag nababasa mo itong dagli, mas nabibiyayaan ka dahil lampas na dalawang bilyong tao sa mundo ay hindi nakakapagbasa.

 

Koro 3:  Kung ano ang isinusok mo, siya mo ring dudukutin.

 

Ipagsigawan daw ito; ipalagay na kasinlaki ng karatula ng Great Wall ng Tsina; ilagay na table sign sa mga mesa nina Bush, Saddam Hussein; ipalilok sa mga haligi ng bawat kuweba na nandoon si Bin Laden na maaring matagpuan, buhay man o patay; ilagay sa mga mesa nina Powell, Rumsfeld, Ari Fletcher, Ms. Rice, at Jose Maria Sison sa Amsterdam (sinong hunghang ang nagdagdag nitong huli sa email?).

 

Koro 4:  Mga pampababa ng luha para sa inyong unan:

 

Magtrabaho na parang hindi mo kailangan ng pera.

 

Magmahal na parang hindi ka pa nasasaktan.

 

Sumayaw na parang walang nanonood sa iyo.

 

Umawit na parang walang nakikinig sa iyo.

 

Mamuhay na parang ito ay langit sa mundo!

 

Koro 5:  Kung hindi ka ba naman tinamaan ng lintek, paano mo magagawa ang Koro 3 at 4 kung kalalahad mo pa nga lang ng Koro 1 at 2! 

 

Liberalismo, anti-komunistang pananaw!

 

Idealistang pananaw ni Gloria Macapagal Arroyo na isasaalang-alang ng taumbayan!

 

Mantra ng naghaharing uri!

 

Koro 6:  Alternatibong pagninilay-nilay kung bakit nakikibaka

 

Bakit pinatay si Obispo Alberto Ramento gayong ipinagtatanggol niya ang karapatan ng mamamayan?

 

Bakit iniipit ang pondo ng diyaryong Philippine Collegian gayong ito ay pera ng mag-aaral?

 

Bakit wala pa ring ulat ang Task Force Usig ni Arroyo gayong Oktubre 7 ang deadline nito para lutasin ang sampu man lamang kaso ng politikal na pagpaslang?

 

Bakit imbis na mahanda ang bansa sa direksyon ng pag-unlad nito ay lalo lamang humahantong sa mas peligrosong posisyon sa pagdanas ng mga sakuna at peligro?

 

Bakit maraming bata pa rin, kasama ang mga anak at pamangkin, ang hirap sa buhay ngayon at sa hinaharap?  Ano ang pangitain nito?

 

Bakit hindi pa rin tunay na malaya ang bansa?

 

(Halaw sa “A Bit of Philosophy,” mula kay Joy Lancero at naipadala sa plaridel_papers@yahoogroups.com (inakses noong 30 Enero 2003.)

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.