Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 37      Oct. 22 - 28, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Nostalgia

Isaulo, pumila at sumali sa game shows, ipagdasal na itanong ang mga ito, gamitin bilang simula ng kumbersasyon para maging sentro ng atensyon. O ipagtirik ng kandila sa alaala, magalit, makibaka, gunitain hindi ang alaala kundi ang simulaing nais bigyan-tuldok na usapin.

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

                Na ang unang bed scene sa primetime na telebisyon ay sina Fred at Wilma ng Flintstone

                na ang orihinal na kulay ng Coca-cola ay berde

                na ang mga lalake ay mas nakapagbasa ng maliliit na sulat kaysa sa babae pero mas magaling ang pandinig ng babae

                na ang mas matatalinong tao ay mas maraming zinc at copper sa kanilang buhok

                na ang pinakabatang magulang ay edad 8 at 0 at nabuhay sa Tsina noong 1910

                na ang pinabatang papa ay edad 11

                na ang unang nobelang nasulat gamit ang typewriter ay ang Tom Sawyer

                na ang 111,111,111 x 111,111,111 = 12,345,678,987,654,321

                na ang Hershey’s Kisses ay gayon ang tawag dahil ang makinang gumagawa rito ay parang humahalik sa conveyor belt

                na ang mas madalas mangyari sa buwan ng Disyembre kaysa sa ibang buwan ay ang pagsisimula ng pagdadalang-tao

                na ang pinakamadalas ipangalan ng may-ari sa kanilang bangka at bapor ay Obsession

                na ang bulletproof vest, fire escape, windshield wipers at laser printers ay may pagkakahalintulad, na lahat ay imbensyon ng babae

                na ang pulot ang tanging pagkain na hindi nabubulok

                na ang pinakamaraming collect calls na araw ay ang Araw ng mga Ama

                na si Mel Blanc (boses ni Bugs Bunny) ay allergic sa karot

                na ang gawain ng 40 porsyento ng mga taong naimbitahan sa pagdiriwang sa bahay ay tumitingin sa medicine cabinet

                na ang bagong naimbentong laro sa Scotland ay tinawag na “Gentlemen Only Ladies Forbidden” o GOLF?

                Isaulo, pumila at sumali sa game shows, ipagdasal na itanong ang mga ito, gamitin bilang simula ng kumbersasyon para maging sentro ng atensyon.  O

                Si Obispo Alberto Ramento, tagapagtanggol ng masang inaapi

si Ka Fort ng unyon ng Nestle

ang mga mag-aaral na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño na pumiling kumilos para sa interes ng batayang sektor

si Leyma Fortu, tunay na guro ng bayan

Juvy Magsino, makabayang opisyal

Honor Ayroso, makata at organisador ng mga magsasaka

Fr. William Tadena, makabayang pari ng Philippine Independent Church

Felidito Dacut, makabayang abugadong tagapagtanggol ng karapatang pantao

                Mga magulang ng walong anak, sina Expedito at Manuela Albarillo

Edwin Pastor, drayber ng tricycle

Isaias Manano, aktibistang makapesante

Emilio Santilla, edad 70

Rev. Edison Lapuz, pastor ng UCCP

Eden Marcellana, ina ng dalawang anak at manggagawa para sa karapatang pantao

Eddie Gumanoy, manggagawa para sa karapatang pantao

Danny Macapagal, lider-sibiko

Abel Ladera, konsehal ng Tarlac City

Beng Hernandez, manggagawa para sa karapatang pantao

                Ipagtirik ng kandila sa alaala, magalit, makibaka, gunitain hindi ang alaala kundi ang simulaing nais bigyan-tuldok na usapin. Bulatlat

(Halaw sa “How have We Lived without Knowing These Things?” mula kay mplaton@adb.org, inakses noong 15 Hulyo 2003 at sa Tigil Paslang Gallery of Heroes http://tigilpaslangmartyrs.blogspot.com, inakses noong 21 Oktubre 2006.)

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.