Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 37      Oct. 22 - 28, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Ang mga Alitaptap sa Tagilid na Lupa ng Sierra Madre

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat

Isang dapithapong nasa tiyan
Ako ng Tagilid na Lupa sa Sierra Madre:
Ang tikatik na ulan
Ang nagpalitaw sa mitsa ng alitaptap
Upang bahagyang umanino
Ang matandang punong sinasandalan
Ng aking armalayt.

Dinukot ko at kinadlit ng hinlalaki ang bilog
At punggok na enggrahahe ng aking lighter
Upang pasusuhin ng liyab ang namamagipos na mitsa
Ng isang garapang nakahihiwa ang natitirang gaas;
At bantulot na banayad bumuglaw
Ang isang parihabang lamesa.

Hungkag ang laman ng nag-aasing tiyan
Sa Tagilid na Lupa
Ng Sierra Madre.

Gutom ang tatlong magasin
Ng aking armalayt na nakasandal sa matandang puno
Sa tanso at tinggang bumuga—
Isang dapithapong binusog ang katawan ng kaaway.

Banayad kong sinabukay ng tingin ang matandang puno
Sa Tagilid na Lupa ng Sierra Madre,
Naroroon at nagliliwanag ang aninag na sinag
Ng nagkakaisang alitaptap…
Magkakayakap.  

Oktubre 14, 2006

Inilathala ng Bulatlat                                   

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.