TULA (POETRY)
Sa Bulwagang Rizal,
Binato ng Itlog at Putik si AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon
NI PHILIP ANORICO
Inilathala ng Bulatlat
Dito iyon,
sa bulwagang
ipinangalan kay Pepe.
Siya na
buong tapang na sumaksak sa dibdib
ng yabang ng
mga prayleng may tiyang bundat,
gamit ang
salita, talinghaga, at pamamahayag.
Anupa’t
ninais niyang paghilumin
ang
nagnanaknak na sugat ng lipunan
“na sa
bahagyang saling
ay
nagdudulot ng napakatinding kirot.”
Ganoon din
ang aming ginawa kay Esperon.
Inilagay
siya sa labis na kahihiyan
kasing lansa
ng itlog
na nabasag
sa kanyang mukha.
Ni hindi
namin hinawakan ang kanyang balat
dahil
nakapalibot ang kanyang mga bayarang tanod.
Ngunit
sinusuntok siya ng mga salita
ng
paniningil, galit, panghihiya, at pangungutya
namin, na
mga kaklase at kaibigan nina Karen Empeño
at Sherlyn
Cadapan
na tatlong
buwan na nilang itinatago
sa amin, at
sa kanilang mga pamilya.
Nang maubos
na ang dalwang dosenang itlog
na pinalipad
namin sa hangin
napagtuunan
ko naman ng pansin
ang naipong
tubig-ulan sa flower box.
Sinapo ko sa
palad ang kulay imburnal na tubig
na
paulit-ulit kong iwinasiwas
sa malilinis
at plantsadong uniporme
ng aming mga
bisitang mamamatay-tao.
Lumapit sa
akin ang mga kasamahan.
Napahinto
ako, at tinanong ang sarili:
“Mali ba ang
aking nagawa?”
Sa halip na
pigilan ang aking mga kamay
tinularan
nila ang aking kalabisan,
kung
kalabisan ngang maituturing.
Hanggang sa
dumampot ako
ng isang
kimpal na putik
na siyang
nagmantsa sa kanyang kapangyarihan.
Bago
makaalis sa Faculty Center
ay
nanggigitata ang kanilang mga damit
at ang
pinakaiingatang “dingal” at “moral.”
Pagkaripas
ng L300 na kanyang sinasakyan
napatingin
ako sa aking sarili.
Punung-puno
ng putik ang mga palad
at naliligo
sa mantsa ang kasuotan.
“Ayos lang
iyon. Mahuhulasan ang iyong mga kamay ng tubig sa gripo.”
Sapagkat
higit ang mantsang nagpaparungis kay Esperon.
Hindi
nabubura ang dugo sa kanyang mga palad,
kahit na
daluyan pa iyon ng isang trak ng tubig.
At naliligo
ng sumisirit na dugo ng mga pinatay na aktibista
ang kanyang
buong katawan at katauhan.
Sa susunod
na pagkakataon
na dumalaw
sa Bulawagang Rizal ang sinumang
may
kasalanan sa kabataan at bayan
dadanasin
nila ang katulad na kapalaran.
Malalim ang
sugat at pitak sa aming puso at utak.
Sa
conference hall
(na
ipinangalan sa dakilang Senador
Claro Mayo
Recto, ang nagtanggol laban sa nakatanod na lawin),
kung saan “inilalantad
ang sakit ng
bayan, upang maihanap ng lunas,”
kung saan
lalo naming kinukudkod
ang
mahapding sugat upang lalong maunawaan,
hindi sila
maaaring kumportableng maupo
at bigyang
katuwiran ang kanilang pagpapalala
sa “kanser
ng lipunan.”
Kung mayroon
man akong natutunan sa pangyayari
simple,
isang bagay lamang:
Maligo man
si Esperon ng putik,
siguradong
magagalit ang kanyang kaluluwa,
ngunit labis
namang matutuwa ang kanyang budhi.
Sapagkat ang
putik na lumapat sa kanyang ulo at mukha
ay ang
lupang sumusundo sa kanya
patungo sa
himlayan.
Sapagkat
siya ay hindi buhay.
Siya ay
isang naglalakad na patay.
29 Setyembre 2006
No. 62 Venus Compound
Angono, Rizal
Inilathala ng
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.