TULA (POETRY)
Ang Gabi
ay Gabi
NI AXEL PINPIN
Inilathala ng Bulatlat
Kung:
Kakambal niya ang puyat at panaginip
bihasa s’ya sapag-aalinlangan at
pagkakahimbing
Sumisigla at pangahas ang kanyang kabataan
nag-aanyaya ng pagkalunod ang kanyang
lalim
Matiyaga siyang magbantay sa magnanakaw
matatag siyang pumusta sa lamay
Kumakalam ang kaibuturan n’ya sa
pagbalikwas
nakakabalisa ang haba ng kanyang
pagbabanta
Naaalimpungatan ang kanyang lamlam sa
takot
alumpihit ang kanyang alinsangan sa
paghihikab
Kung:
Nag-iinat ang kanyang taib sa pagbangon.
Agosto 2006
Inilathala ng
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.