|
Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to
search, probe, investigate, inquire; to unearth facts
Vol. VI, No. 4
February 26 - March 4, 2006 Quezon City, Philippines |
|
HOME
ARCHIVE
CONTACT
RESOURCES
ABOUT BULATLAT
www.bulatlat.com
www.bulatlat.net
www.bulatlat.org
|
READER FEEDBACK
(We encourage readers to dialogue with us.
Email us
your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
|
|
|
DEMOCRATIC SPACE
(Email us your
letters statements, press releases, manifestos, etc.) |
|
|
For
turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded
the Golden Tornillo Award.
Iskandalo
Cafe
|
|
Copyright 2004 Bulatlat bulatlat@gmail.com |
|
|
|
|
TULA (POETRY)
Baryo Guinsaugon, Nabura sa Mapa
NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat
Balana’y tahimik sa nayon.
Ampiyas ng ulan, nag-alon.
Ragasang nanaog, gumulong.
Yugto ng wakas, bumangon.
Olimpong sambulat, dagundong!
Gumuho ang lupa sa bundok,
Unahang tumabon. Nasadlak
Itong walang muwang, nalito
Na ang bawat isa. Diyos ko!
Sabayang inusal nang lahat.
Agarang naglaho, mulagat!
Unahang kumilos, naawa –
Gumawang-paraan, nabigla!
O, Ama sa langit! ang sigaw!
Nasaan ka, anak? Namagaw.
Nanaog ang husgang malupit.
Ang Guinsaugon, hinaplit –
Binura sa mapa ng Leyte.
Upang ipabatid, maraming
Rimarim na gawa’y sinuway
Ang iral na batas. Paalam…
Saan hahanapin ang bangkay
At nailibing na Baranggay?
May sasakit pa ba sa hataw
At parusang ito? Inagaw
Palihim ang mahal sa buhay
At ang naiwana’y luhaan.
Pebrero 19, 2006
UP Diliman
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
|
|
|
|