TULA (POETRY)
Christmas Party
NI
MARK ANGELES
Inilathala ng Bulatlat
Nanalo si Tatay ng oven toaster sa
pa-raffle.
Pag-uwi, ginising niya kami ni Obet
na bumangon, matang-manok, sa folding bed.
Sa lamesa, sa tabi ng isang nakaplastik
na pansit,
nakaupo ang bago naming toaster,
nangingislap kay nanay na nananalamin.
May nanalo ng TV at electric fan, sabi
ni Tatay.
Sana nakuha mo na lang ang washing
machine,
panghihinayang ni Nanay, na tinimbang ang
premyo
sa mga kamay niyang magagaspang.
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.