DAGLI SA KRISIS*
100 Good Reasons to be ‘Pinoy’
(Thought Balloons, Ikalawang Bahagi)
Ang sa susunod na henerasyon? Ano ang
kanilang magiging claim sa pagiging bayani? Lahat halos ng dekada ay
minamarkahan ng kasaysayan ng hamon – batas militar at diktadura ng 1970s,
People Power ng 1980s, EDSA Dos ng 2000s. Kabataang Filipino, ano na?
NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat
21. Pakidala. A
personalized door-to-door remittance and delivery system for overseas
Filipino workers who don’t trust the banking system, and who expect a
family update from the courier as well.
Ang remittance ng
OCWs ay $12 bilyon ngayong taong 2006, $13.5 bilyon sa 2007. Lahat ay
padala sa bangko. $2 bilyon ang dumarating dahil sa pakidala, $8.24 bilyon
ang total na tantya mula 2001-2004. 38 porsyento ng mga tumatanggap ng
remittance ay mas pinapaboran ang non-banking at informal na sistema dahil
sa walang malalaking charges na idinadagdag.
22. Choc-nut.
Crumbly peanut chocolate bars that defined childhood ecstasy before M&Ms
and Hersheys.
Ang choc-nut ay
imbensyon ng pambansang burgesya batay sa mga malaganap na materyales ng
kapaligiran. Ano ang magiging definitive childhood ecstasy ng susunod na
henerasyong hindi hinele ng Choc-nut? Mananaginip ba sila ng matatabang
bilog at iba’t ibang kulay na M&Ms?
23. Kamayan style.
To eat with one’s hand and eschew spoon, fork and table manners –ah,
heaven.
Kapag kumain kang
nakakamay, nasa mababang uri ka o nasa Kamayan Restaurant ka. Isa na
namang ehemplo ng paghalaw ng mataas na uri sa kultura ng mababang uri
para sa karagdagang kita.
24. Chicharon. Pork,
fish or chicken crackling. There is in the crunch a hint of the
extravagant, the decadent and pedestrian. Perfect with vinegar, sublime
with beer.
Bagong tuklas!
“Need omega-3's? Don't like fish? Get your good oils in a hearty serving
of pork crackling. Researchers have generated cloned pigs that express a
humanized worm gene which encodes an n-3 fatty acid desaturase. The
transgenic pigs produce high levels of n-3 fatty acids.” Genetically
modified! Chicaron na ang bagong oatmeal at sariwang prutas.
25. Pinoy
hospitality. Just about everyone gets a hearty “Kain tayo!” invitation to
break bread with whoever has food to share, no matter how skimpy or
austere it is.
Pero tandaan ang
Filipino dekorum sa imbitasyon: tatlong beses kang iimbitahan, dalawang
beses kang tatanggi. Sa ikatlong imbitasyon ka lamang sasang-ayong
makisabay kumain. Baka isipin ng nag-imbita sa iyo na patay-gutom ka.
26. Adobo, kare-kare,
sinigng and other lutong bahay stuff. Home-cooked meals that have the
stamp of approval from several generations, who swear by closely-guarded
secrets and family recipes.
Ang tawag sa isang
gabing kultural na pagtatanghal ng mga Filipino-American sa kanilang
identidad ay “Adobo Night.” Isang gabi ng paggunita sa inaakala nilang
pagka-Filipino nila sa Amerika. Nag-aaral silang magsingkil, maglalatik
at mag-Ifugao dance (balita pa nga ay ang mga lalaking lumalahok sa huli
ay nagpapalaki ng katawan para ipang-disley sa gabing ito.)
Si J-Lo na
nakapangasawa rin ng isang Filipino-American na backup dancer ay masaya sa
paggunita ng pagkain ng pansit at spring rolls (lumpiang shanghai) na luto
ng kanyang biyenan.
27.Lola Basyang. The
voice once heard spinning tales over the radio, before movies and
television curtailed imagination and defined grown-up tastes.
Si Lola Basyang ay
ang sarswelistang Severino Reyes. Ano ang ibig sabihin na si Reyes ang
unang trans-gender na celebrity ng media sa bansa, alam ba ito ng mga
magulang nang binabasa o pinapakinggan siya ng mga bata?
28. Pambahay. Home is
where one can let it all hang out, where clothes do not make a man or
woman but rather define their level of comfort.
Anong comfort? 40
porsyento ng populasyon sa syudad ay nakatira sa slums at komunidad ng
squatters. 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ay naghihikahos,
30 milyon ay maralitang taga-lunsod. Sa isang banda, nakapambahay man ang
marami, wala naman silang bahay. Sa kabilang banda, ang pambahay ng iba
ay panlabas na ng marami.
29. Tricycle and
trisikad, the poor Pinoy’s taxicab that delivers you at your doorsteps for
as little as three PH Pesos, with a complimentary dusting of polluted air.
Idagdag pa rito
ang pedikab. Padjak power! Pero mag-ingat masagi ng nagmamadaling truck.
Gayong ginagamit ding motel ng mahihirap.
30. Dirty ice cream.
Very Pinoy flavors that make up for the risk: munggo, langka, ube, mais,
keso, macapuno. Plus there’s the colorful cart that recalls jeepney art.
Halimbawa pa rin
ng pambansang burgesyang karanasan: Selecta na binili ng multinasyonal na
korporasyon, na muling umusbong sa Arce, ice cream na gawa sa gatas. Ilang
galon ng sorbetes para sa isang maliit na cup ng Haagen Daz? Bakit walang
“munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno” na flavor ang Haagen Daz?
31. Yayas. The
trusted Filipino nanny who, ironically, has become a major Philippine
export as overseas contract workers. A good one is almost like a
surrogate parent – if you don’t mind the accent and the predilection for
afternoon soap and movie stars.
Teka lang!
Pinagkakatiwala mo ang buhay ng anak mo sa yaya nila pero hindi ang
kanilang pagsasalita at libangan? Tama ba ‘yan? Tulad ng OCW na yayang
nanay o kapatid na babae, inaalagaan na nga nila ang hindi nila anak,
nagsasakripisyo para may maipadala sa kanilang mga pamilya gayong hindi
sila kailanman lubos na matatanggap na kapantay. Ang sad ‘no?
32. Sarsi. Pinoy
rootbeer, the enduring taste of childhood. Our grandfathers had them with
an egg beaten in.
Bakit lahat ng
ugnay sa kamusmusan ay sa pamamagitan ng pagkain? Oral phase kaya ito, o
ang paggunita sa yugto ng pagsuso sa ina at pagsubo ng lahat ng madadampot
na bagay sa bibig? Kaya sa susunod na nalulumbay, uminom lamang ng inyong
paboritong sarsaparilla (kung may makikita pa kayong sari-sari store na
nagtitinda nito), sorbetes (kung may naglalako pa nito sa inyong village)
at chicharon (a, ito ay ine-export na kaya nasa estante na ito ng inyong
paboritong groseri).
33. Pinoy fruits.
Atis, guyabano, chesa, mabolo, lanzones, durian, langka, makopa,
dalanghita, sinigueles, suha, chico, papaya, singakamas—the possibilities!
Pero seasonal
itong posibilidad. Hindi tulad ng mansanas, kahel, ubas, kastanyas, at
longgan, paratihang naka-stock sa palengke at groseri. Mas mura pa ang
bawat piraso kaysa sa lokal na prutas. Mabuhay ang neoliberalismong
nagpasok ng mga prutas na dapat sana ay natutunghayan lamang kung Pasko.
34. Filipino
celebrities. Movie stars, broadcasters, beauty queens, public officials,
all-around controversial figures: Aurora Pijuan, Cardinal Sin, Carlos P.
Romulo, Charito Solis, Cory Aquino, Emilio Aguinaldo, the Eraserheads,
Fidel V. Ramos, Francis Magalona, Gloria Diaz, Manuel L. Quezon, Margie
Moran, Melanie Marquez, Ninoy Aquino, Nora Aunor, Pitoy Moreno, Ramon
Magsaysay, Richard Gomez, San Lorenzo Ruiz, Sharon Cuneta, Gemma Cruz,
Erap, Tiya Dely, Mel and Jay, Gary V.
Una, alam kaya ni
San Lorenzo Ruiz na siya ay magiging celebrity nang pumayag siyang
paslangin siya dahil sa kanyang Katolikong paniniwala?
Ikalawa, Mel and
who?
Ikatlo, ang
formula para maging celebrity: maging politiko, beauty queen, relihiyoso
at sumali sa showbiz. Idagdag na rito, sports, baka magalit si Manny
Pacquiao.
35. World class
Pinoys who put us on the global map: Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene
Torre, Luisito Espinosa, Lydia de Vega-Mercado, Jocelyn Enriquez, Elma
Muros, Onyok Velasco, Efren “Bata” Reyes, Lilia Calderon-Clemente, Loida
Nicolas-Lewis, Josie Natori.
Una, kababaihan
power!
Ikalawa, kung
world-class Pinoy, bakit wala na ang marami sa nakalista rito ngayon?
Ikatlo, ang
formula sa maging world class Pinoy: mabilis tumakbo, matigas manlaban,
magaling dumiskarte sa inyong kanto sports (boxing, sprint, bilyar).
36. Pinoy tastes. A
dietitian’s nightmare: too sweet, too salty, too fatty, as in burong
talangka, itlog na maalat, crab fat (aligue), bokayo, kutchinta
sapin-sapin, halo-halo, pastilyas, palitaw, pulburon, longganisa, tuyo,
ensaymada, ube halaya, sweetened macapuno and garbanzos. Remember, we’re
the guys who put sugar (horrors) in our spaghetti sauce. Yum!
Kung pinalaki mo
ba naman sa ice cream, chicaron at Sarsi, magtataka ka pa kung bakit
ganito ang diyeta ng gitnang uring Pinoy?
37. The sights.
Banaue Rice Terraces, Boracay, Bohol’s Chocolate Hills, Corregidor Island,
Fort Santiago, the Hundred Islands, the Las Pinas Bamboo Organ, Rizal
Park, Mt. Banahaw, Mayon Volcano, Taal Volcano. A land of contrasts and
ever-changing landscapes.
Your Honor, para
maging lupain ng contrast, isama ang Payatas Land Refill, squatter na
nakatira sa ilalim ng tulay at breakwater, o sa itinutulak na kariton,
musmos na nagbebenta ng sampaguita, katutubong namamalimos sa inyong
paboritong sangandaan, at aktibistang pinapaslang. Welcome to the
Philippines!
38. Gayuma, agimat
and anting-anting. Love potions and amulets. How the
socially-disadvantaged Pinoy copes.
Ito pala ang
sikreto kung bakit natatanggap ng naghihikahos ang kanilang abang lagay
(sarcasm po ito). At sa socially-empowered Pinoys? Dollar savings abroad,
stocks and bonds, cash, cash, cash…
39. Barangay Ginebra,
Jaworski, PBA, MBA and basketball. How the vertically challenged Pinoy
compensates, via a national sports obsession that reduces fans to tears
and fistfights.
Sa edad ng
diaspora at globalisasyon, matatagpuan na lamang natin ang ating PBA na
nanonood tayo ng teams na nilalahukan ng mga reject sa NBA. Iilang Pinoy
ang lumalaking matatangkad at malulusog at kayang makipagtunggali sa
basketball? Tapos na ang edad ni Ronnie Magsanoc. Ang iba namang
basketball players ay nangangarap na lamang maging modelo ng underwear ng
Bench.
40. People Power and
EDSA. When everyone became a hero and changed Philippine history
overnight.
Ang sa susunod na
henerasyon? Ano ang kanilang magiging claim sa pagiging bayani? Lahat
halos ng dekada ay minamarkahan ng kasaysayan ng hamon – batas militar at
diktadura ng 1970s, People Power ng 1980s, EDSA Dos ng 2000s. Kabataang
Filipino, ano na? Bulatlat
(Halaw sa email na
“100 Good Reasons to be ‘Pinoy’”, natanggap mula sa
pinoytok@yahoogroups.com, 29 Agosto 2003, inakses noong 12 Pebrero
2006).
------------------------------
(Ang maikling
kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon
ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring
dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang
pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.)
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Media Center
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.