Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 45      Dec. 17 - 23, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Pancreas
para kay Jeng
 

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat
 

                Sa pagitan ng itaas ng gitna ng sikmura, at pinapaligiran ng tiyan, maliit na bituka, atay at pantog, matatagpuan ang pancreas.  Mahalaga ang pancreas dahil una, ito ang lumilikha ng pancreatic juices na lagakan ng importanteng enzymes para matunaw ang pagkain, at ikalawa, ito ang lumilikha din ng ilang hormones, kasama ang insulin, na kinakailangan ng katawan para magamit at maimbak ang enerhiyang mula sa pagkain.

                Sa pagitan ng ikalimang palapag ng Philippine General Hospital, at pinapaligiran ng iba pang pasyenteng may malubhang karamdaman, Birhen sa maliit na altar, nakaasul na personel ng ospital at madilim na koridor, matatagpuan ang Lungkot na tila slow-motion na bumabalot sa kapaligiran.

                Tahimik ang mga bulungan tungkol sa alamat ng pancreas at ang epikong pakikibaka ng Kalungkutan habang ang bitbit na prutas na hindi makakain ng Lungkot ay inimbak sa ibabaw ng mesa, katabi pa ng ibang pagkaing pagsasaluhan na lamang ng nakikiisa kay Lungkot.

                Tahimik ang bulungan na tila bagang wala si Lungkot kahit pa siya nakahimlay, madiin pa ang kamay at nakakakilala pa sa kapwa nalulumbay.  Paano mamaalam ang Lungkot? 

                At slow-motion kaming umalis, tumungo sa Jollibee sa Philcoa upang lamlamin ng may lungkot na ngiti ang Chicken Joy, cheeseburger, at ang bagong labas na chicken sotanghon soup.  Nilamlam ang higop at kagat habang tahimik na nag-usap tungkol kalakaran sa unibersidad--sa kabang bigas na kahilingan ng kawani, ang pagsasara ng marangyang kainan sa lilim ng institute para sa maliliit na negosyo, at ang bagong magiging presidente. 

Sa paghatid sa isa’t isa, sa pag-iisa at pangungulila, sa pagitan ng biyahe at bulungan; sa paghatid ng demerol at neoliberalismo, sa islets of Langerhans at burukrata kapitalismo, sa pagitan ng imperialismo at pancreaticoduodenectomy, parating kapiling ng Lungkot ang bawat sandali. 

Hindi namamaalam ang Lungkot, kapiling sa buhay sa pakikibaka. Bulatlat

17 Setyembre 2004
Cine Adarna

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.