Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 47      Dec. 31, 2006 - Jan. 6, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS*

Awit
para sa pamilya Nadera

May mga awit na dumadaan at umaalis.  May mga awit na namamahay at nananatili.  Lahat ng awit ay nag-uugat, sumasanga at kinakailangang maglaho. 

AKDA NI ROLANDO B. TOLENTINO
Bulatlat
 

                Ang awit, nilalamlam na parang bola ng makapuno na nilalaro sa bibig.  Hindi kinakagat o nginunguya, hinahayaang matunaw ang tamis.  Unti-unti dahil kay bilis ng sandali.

                Ang awit, iniindayog ang nakikinig, pinapatunton ang paraan para maunawaan ito.  Hindi kung papaano nagsasanib ang metro at ritmo, o ang pinagmulan at impluwensya.  Hinahayaang mamukadkad, tulad ng mga talutot ng kampupot, ang sarili nitong kaluluwa.  Hinay-hinay dahil kay bilis ng sandali.

                Ang awit, nakakapagpangiti dahil may alaalang sinasambit, tulad ng walang lamang lata ng sardinas o punong balde ng tubig. Ginugunita ang sariling ligaya at lungkot habang marahang idinuduyan ng nakaraan at kawalan, ng kasalukuyan at kawalan.  Marahan dahil kay bilis ng sandali.

                May mga awit na dumadaan at umaalis.  May mga awit na namamahay at nananatili.  Lahat ng awit ay nag-uugat, sumasanga at kinakailangang maglaho.  Ganyan ang angking ugali ng mga natatanging awit.  

                Pamandalian, kagyat man kung dumating at mamaalam, ang awit ay mahika ng sandali sa krisis na nakakapangpangulila.  Pero bakit mangungulila kung nadamha na ang kaluluwa ng awit?   Bulatlat

 

9:19 ng umaga, 21 Disyembre 2006

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.