Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 6      March 12 - 18, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Paano Kung Wala nang Magandang Babae sa Filipinas?

NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat


Ang kagandaha’y ihinahaplos lamang sa mga babae.
Paano kaya sisters kung wala nang magandang babae
Dito sa atin? May magagawa ba ang isang babaing
Ipinangalandakan sa lahat na siya’y magandang  babae?

Binabae niyang hinimas ang matapang na bilang
Samantalang yupyop sa puya ang siyap na di mabilang,
Sumasalasa ng siga ang pinakawalang 1017 at ibang bilang;
At ang likaw na bakal ay pinagkambal ang brasong bilang
At tinatakang kaaway na lihim.(Sila kasi ang lumalaban.)
Ibinubungkalo ang bibig ng pahinang tunay ang paglaban
Sa sinasabing malakas na republikang ang nilalabanan
Ay ang masang walang mahulmang armas upang lumaban.

Paano na tayo kung wala nang magandang babae sa Filipinas?
Tayo ba’y magtatabon ng lupa upang kung magliyab ang Filipinas
Ay hindi mababahiran ang basal nating prisipyo? Ay! Filipinas,
Kailan iimbulog at mababasa sa buong mundong maganda ang Filipinas?

10 March 2006
UP Diliman

Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.