TULA (POETRY)
Ang Bote ng Sarsi at si GMA
NI LOLITO R. GO, JR.
Inilathala ng Bulatlat
may leeg walang bisig
may lilig walang ulo
may puwit walang binti
may dibdib walang puso
nakakoronang punggok
sa puwit natitindig
di-makatighaw-uhaw
na gaya ng sa tubig
may balat na kaykinis
maitim ang sa loob
nang makalog, nagalit
nang mabasag, nambubog
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.