Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 8      March 26 - April 1, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Mga Anghel ng Guinsaugon

NI TOTO DIVINO

Inilathala ng Bulatlat

 

Kanina lang, kanina lang, nariyan pa sila.

Mga halaklak at tawang-anghel sa lupa

Dito, dito, o maaaring sa dako pa doon

Doon ko huling narinig ang mga awit nila.

 

Bilis, habulin natin ang mga bakas ng tinig

Ang buntot ng hagikhik at dulo ng sigawan

Idikit ang tenga sa lupa, baka may madinig

Kahit gatibok na buntong-hininga man lang.

 

Kanina lang, kanila lang, nariyan pa sila

Tumatakbo sa damuhan, naghahabulan

Diyan, diyan pa, at sa gawi pang iyan

Diyan ko huling nakita ang mga anino nila.

 

Dali, hulihin natin ang bakas ng sayaw

Mga kandirit, gapang, gulong ng katawan

Ipikit ang mata, baka may mangagsikilos

Kahit gahiblang guniguni man lamang.

 

Kanina lang, kanina lang nariyan pa sila

Sa loob ng paaralan, tahanan at simbahan

Dali, hukayin natin sa mga lupa at mga bato

Bago mawalan ng mga bata ang Guinsaugon.

 

St. Bernard, Southern Leyte

 

(Ayon sa mga awtoridad, isang batang-eskwela lang ang nakaligtas sa Guinsaugon.  Wala siya sa baryo nang maganap ang trahedya.  Huminto siya sa pag-aaral matapos malibing nang buhay sa landslide ang mahigit 200 niyang kamag-aral.)

 

Inilathala ng Bulatlat

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2006 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.