TULA (POETRY)
Butil ng Palay, Sako at Baril
(Alay kay Kasamang Noel,
martir ng dekada 80)
NI OLIVER CARLOS
Inilathala ng
Bulatlat
May luha sa iyong mga titig
Lipos ng takot ang namamaga mong mukha’t
dibdib
At sa pagkahandusay ng duguang katawan sa
inaanay mong sahig
Tiim-bagang nanghihina, pahagulgol mong
nasambit,
Mga salot! Mga ganid! Mga lintang
sumisipsip!
O kay hapdi ng iyong sugat mula sa palo
ng baril
Habang kipkip ang duguang sako na lalagyan
sana ng mga butil…
Butil ng palay mula sa lupang iyong
inaruga at inibig
Lipakin mong palad at butuhang gulugod ang
naghasik
Sa bawat pitak ng lupa na piping saksi sa
iyong mga pasakit
Bakit nang aanihin na’y saka sila darating?
Panginoong maylupa, usurerong ganid at
sakim
Nangakangising kinamkam, mga butil na iyo
na lamang kakainin
Wala na ang butil!
Wala ka nang palay na ipupunla’t itatanim
Wala na
rin ang lupang ipinambayad sa utang na sapilitang siningil
Sa kaunting utang na dumoble, tumubo nang
walang tigil
Matagal na dapat nailuwal sa ani ng lupa
ang mga utang na iyon
Bakit ngayo’y kanila pa itong inaangkin?
Wala na
ang lupa!
Wala ka
nang palay na maisisilid
Sa ulilang sako na naghihintay sa inani
mong mga butil
Kaytalim ng iyong mga titig
Lipos ng galit ang kinulata mong mukha’t
dibdib
May apoy ang bawat salitang nagnunulas sa
iyong bibig
O kay tatag ng iyong mga hakbang, kay
lalim ng iyong iniisip
Duguang
sako’y may halaga pa rin! Nagsisilbing pambalot....
Pambalot sa bitbit mong baril!
Inilathala ng Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.