This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. VII, No. 3, Feb. 18-24, 2007
DAGLI SA KRISIS
Ang Tunay na Terorista Ang
tunay na terorista, nakakapandaya sa eleksyon. Nanunungkulan bilang presidente
habang sa pagkaligalig sa gabi, tanging cognac ang kapiling. NI
ROLAND TOLENTINO Pukpukin
ang mga kahoy na sahig, dingding at kisame. Ang tunay
na terorista, pumapatay ng aktibista. Tanghaling
tapat, sa loob ng mismong buhay o sa bukana nito—ang eksena ng krimen. Walang
takip ang mukha, maliban sa itim na bonnet sa ulo. Naka-leather jacket,
na kahit namamawis, iniisip na kamukha niya si Robin Padilla. Bubunot ng
baril, itututok sa walang kamuwang-muwang na babae habang papaalis nang bahay
para pumasok sa opisina, o habang iniwan ang trabaho sa kusina para sagutin ang
katok sa pinto. “Isang bala ka lang,” muni nito sa sarili habang nagpaputok ng
unang bugso. At nang makitang gumagalaw pa ang babaeng nagsimula nang maligo sa
sarili nitong dugo, humihinga at nakadilat pa, pauulanan ng natitirang bala. Gusto sana
niyang kumaway sa nagkukumpulang tao, ngumiti at magpasalamat sa pagtangkilik sa
eksenang aksyon. Pero hindi. In-character pa rin ito, halos nakasimangot.
Walang bida sa aksyong pelikula ang nakangiti habang nakikipagbakbakan o
nakikipagbarilan. Sasakay ito muli sa motor at kakaripas ng takbo. Tinitiyak na
nag-iiwan ng ulap ng usok at alikabok sa nagkakagulong komunidad. Sa murang
halaga ay kinuha niya ang kontrata. Hindi importante ang salapi o ang tsansang
sumikat. Hindi maaring maging hayag ang kontratistang mamamatay-tao. Ang ligaya
ay ang akto ng pagpaslang, ang realisasyon ng kapangyarihang bawian ng buhay ang
may karapatang mamuhay. Ang tunay
na terorista, nagkukulong sa aktibista. Lumilikha
ng batas para tangkaing lupilin ang mga aktibista. Lumilikha ng konsehong
kinabibilangan ng mga anti-komunistang opisyal. Humuhusga kung sino ang kaaway
at kaibigan. Bumibili ng
kongresista. Bumibili ng boto. Bumibili ng mamamatay-tao. Habang
nagkakape sa mga air-con na opisina, nananabako, nag-uusap kung paano ang
inakusahan ay hindi dapat makaalis sa lugar na pinagdakipan sa kanya. Kundi man,
dapat ay nakakulong sa sarili nitong tahanan. Ang tunay
na terorista, nakakapandaya sa eleksyon. Nanunungkulan bilang presidente habang
sa pagkaligalig sa gabi, tanging cognac ang kapiling. O
tulad ng reynang-anay, nangingitlog ng teroristang sundalo, drones at aliping
anay. Handang manilbihan sa interes ng kolonya, ngumangatngat sa lalo nang
nabubulok na emperyo. Bulatlat
------------------------------ (Ang maikling
kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon
ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring
dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang
pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.) © 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
Bulatlat