Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VII, No. 3      Feb 18 -24, 2007     Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

DAGLI SA KRISIS

Ang Tunay na Terorista

Ang tunay na terorista, nakakapandaya sa eleksyon. Nanunungkulan bilang presidente habang sa pagkaligalig sa gabi, tanging cognac ang kapiling.

NI ROLAND TOLENTINO
Bulatlat

                Pukpukin ang mga kahoy na sahig, dingding at kisame.

                Ang tunay na terorista, pumapatay ng aktibista.

                Tanghaling tapat, sa loob ng mismong buhay o sa bukana nito—ang eksena ng krimen. Walang takip ang mukha, maliban sa itim na bonnet sa ulo. Naka-leather jacket, na kahit namamawis, iniisip na kamukha niya si Robin Padilla.

                Bubunot ng baril, itututok sa walang kamuwang-muwang na babae habang papaalis nang bahay para pumasok sa opisina, o habang iniwan ang trabaho sa kusina para sagutin ang katok sa pinto. “Isang bala ka lang,” muni nito sa sarili habang nagpaputok ng unang bugso. At nang makitang gumagalaw pa ang babaeng nagsimula nang maligo sa sarili nitong dugo, humihinga at nakadilat pa, pauulanan ng natitirang bala.

                Gusto sana niyang kumaway sa nagkukumpulang tao, ngumiti at magpasalamat sa pagtangkilik sa eksenang aksyon. Pero hindi. In-character pa rin ito, halos nakasimangot.  Walang bida sa aksyong pelikula ang nakangiti habang nakikipagbakbakan o nakikipagbarilan. Sasakay ito muli sa motor at kakaripas ng takbo. Tinitiyak na nag-iiwan ng ulap ng usok at alikabok sa nagkakagulong komunidad.

                Sa murang halaga ay kinuha niya ang kontrata. Hindi importante ang salapi o ang tsansang sumikat. Hindi maaring maging hayag ang kontratistang mamamatay-tao. Ang ligaya ay ang akto ng pagpaslang, ang realisasyon ng kapangyarihang bawian ng buhay ang may karapatang mamuhay.

                Ang tunay na terorista, nagkukulong sa aktibista.

                Lumilikha ng batas para tangkaing lupilin ang mga aktibista. Lumilikha ng konsehong kinabibilangan ng mga anti-komunistang opisyal. Humuhusga kung sino ang kaaway at kaibigan. 

                Bumibili ng kongresista. Bumibili ng boto. Bumibili ng mamamatay-tao.

                Habang nagkakape sa mga air-con na opisina, nananabako, nag-uusap kung paano ang inakusahan ay hindi dapat makaalis sa lugar na pinagdakipan sa kanya. Kundi man, dapat ay nakakulong sa sarili nitong tahanan.

                Ang tunay na terorista, nakakapandaya sa eleksyon. Nanunungkulan bilang presidente habang sa pagkaligalig sa gabi, tanging cognac ang kapiling.

O tulad ng reynang-anay, nangingitlog ng teroristang sundalo, drones at aliping anay. Handang manilbihan sa interes ng kolonya, ngumangatngat sa lalo nang nabubulok na emperyo. Bulatlat

------------------------------

(Ang maikling kolum na ito ay nasa pormang dagli, na ginamit sa mga diyaryo sa panahon ng kolonyalismo ng US sa Pilipinas. Ang moda ng dagli ay maaaring dedikasyon, malasanaysay o malakatha. Maaari itong magkaroon ng lamang pulitikal na siyang magiging palagiang laman ng kolum na ito.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2007 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.