TULA (POETRY)
Red Scare
NI MARK ANGELES*
Inilathala ng Bulatlat
Ligwak ng ilaw
ang natatanaw,
nangingibabaw.
Dahil kinubkob
ang siyang ubod
na sumasabog.
Sikil ang siklab,
animo fuzed quartz
sa halogen lamp.
Ano kung pula
ang mga mata
ng Bayan Muna?
Pula ang dugo
na sumisikdo
sa pagpintuho.
Inilathala ng Bulatlat
*Si
Mark Angeles,
dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the
Philippines, ay naging Fellow sa Tula ng magkasunod na IYAS at Iligan
National Writers Workshops nitong 2006. Siya ay miyembro ng Kilometer 64,
isang samahan ng mga progresibong makata.
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2007 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.