TULA (POETRY)
Sakripisyo
(Sa
bayan ko)
Isang bangungot ang nililok
Ng mga tunggak at balakyot,
Sa lalawigang Quezon, Nueva Ecija
At ang probinsiyang Aurora;
Sa bansa kong sinisinta—
Ang Pilipinas na abang-aba.
Mga bayang Heneral Nakar, Real, Infanta,
Bulubunduking Gabaldong may ilog Dupinga
At kubling paraisong nangangasul na
Dingalan.
Walang sawang pinagsamantalahan
Ang gubatang walang kamalay-malay
Ng tusong-ganid na magtutroso sa
kabundukan.
Isang delubyo ang pinaalingawngaw
Ng langit. Ang sigwadang alimpuyo’y
sumalimbay
Ang laksang pinaslang na talaksang kahoy
Na mahibik ang hikbi ng pagngunguyngoy,
Sa ilambo ng hangi’t ula’y gumulong-gulong;
Nanalasa’t kumitil ang rumaragasang daloy.
Nagsakripisyo ang Lumikha umungol ang
taghoy,
Pumatak ang luha sa bultong-anak na
nakikanlong;
Upang ibantad sa lahat ang walang pangil
na batas
Ng sinalaula at binalahurang nakakalbong
gubat.
Ang sigaw ng lahat: Parusahan ang kapural
na palangas
Sa Malayong Silangang dinidiyos ay pilak.
Tata
Raul G. Funilas
Disyembre 3, 2004
Ilog
ng Dupinga, Gabaldon,
Nueva
Ecija
BACK TO TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2004 Bulatlat
■ Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified. |