TULA
(POETRY)
Sugal ng Buhay
NI
PAUL PRUEL
Inilathala ng Bulatlat
Unang linggo ng Pebrero
Umaga ng Sabado
Sa Ultra'y nagkagulo
Mga sigaw, umalingawngaw
Mula sa libo-libong tao.
Sila'y nag-uunahan at nagtutulakan
Nagpupumilit na makapasok sa pintuan
Nguni't sadyang mailap ang kapalaran
Bumulagta ang karamihan
Inapakan, hanggang sila'y bawian ng buhay.
Ang dating masayang umaga
Ay nabalutan ng kalungkutan
Iba't ibang damdamin ay nailarawan
Katulad ng pagkamuhi, pagkasuklam at
sisihan
Sa nangyaring trahedya na kailanma’y di
inasahan.
Ang Ultra'y naging libingan
Ng mga nasawing mamamayan
Na naghangad ng magandang kinabukasan
Isinugal, buhay nila't kapalaran
Na nagwakas sa kandungan ni Kamatayan.
Iyon ay karanasan na di basta
makakalimutan
Ng mga naiwang pamilya't buong sambayanan
Pati ang Santo Papa sa Roma'y natigilan
Nabigla sa nasaksihang pangyayari
At nag-alay ng maikling dasal para sa mga
nasawi.
Kailanman di maitatago ang katotohanan
Na ang kawalan at kahirapan ang dahilan
Kaya libu-libong tao'y sa Ultra'y
nagdagsaan
Nagbakasali't isinugal ang kapalaran
Sakaling suwertihin, gaganda ang
kinabukasan.
Noon malimit kong marinig ito: "Heto isang
kahig, isang tuka."
Ngayon iba na: "Heto sampung kahig, walang
matuka."
Ang trahedyang kumitil ng maraming buhay
Sana magsilbing panawagan sa pamahalaan
Na masolusyunan ang ugat ng lahat ng ito:
ang kahirapan!
The author has been working as an account
analyst in Riyadh, Saudi Arabia for nine years.
Bulatlat
BACK TO
TOP ■
PRINTER-FRIENDLY VERSION ■
COMMENT
© 2006 Bulatlat
■
Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided
its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.