Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VII, No. 11      April 22- 28, 2007      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   
TULA (POETRY)

 

Inday Grecil*

 

NI FRANKIE DEL ROSARIO

Inilathala ng Bulatlat

Saksi ang naulilang sapa
Noong lumisan ka.
Ang kanilang mga balak
Ang nagpaitim sa tubig
Kaya't doo'y di ka na nakapaglaro.

Tumakbo kang papalayo sa sapa
Pabalik sa niraratrat na dampa.

Nag-alala ka.

Di mo nabatid,
Wala na roon ang iyong ama't ina
Wala na rin doon ang iyong mga kapatid.
Di mo na sila naabot ng iyong yakap.
Di na rin nila nayugyog ang iyong
pag-aalala.

Sapagkat bumaon sa lupa
ang iyong mga yapak.
habang ang mga punglo
ay humagibis sa iyong siko
at ang isa'y dumurog
sa mura mong bungo.

Inday Grecil,
Noong bago ka tuluyang paslangin,
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.

Sila na may maitim na balak,
Mga berdugong nag-piyesta sa iyong bangkay
Isang ripple ng M-16
na halos kasintaas mo
Ang sa iyo'y pilit pina-angkin
Upang ituro ka bilang salarin. 

Inday Grecil,
sakali mang dumaing ka
Bago ang bungo mo'y pasabugin
Walang nakarinig sa impit mong daing
Maliban sa kanila.

Ngunit, ayaw nilang mabuhay ka.

Dahil saksi ka laban sa kanila
mga berdugong humihiklas ng hininga
at pumapaslang ng mga pangarap
Ng maraming Ama at Ina
At ng gaya mong bata.

Inilathala ng Bulatlat

*Si Grecil Buya ay siyam na taong gulang noong siya ay paslangin ng mga militar
ng 67th Infantry Battalion ng AFP sa Purok 5, Brgy. Kahayag New Bataan, Compostela Valleynoong ika 31 ng Marso, 2007. Ilang araw lang ito pagkatapos ng kanyang recognition sa Grade 2 sa Simsemin Elementary School kung saan siya kinilala bilang isa sa pinakamahusay na estudyante at Most Neat. Ngunit ayon sa militar, siya diumano ay isang batang mandirigma na kasapi ng New People's Army (NPA). Patunay nito, ayon sa militar, ang isang M16 na itinutok sa kanila ni Grecil kaya nila ito binaril.

 

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

2007 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.