This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. IV, No. 43,
November 28 - December 4, 2004
TULA (POETRY)
Hacienda
Luisita
Para
sa mga welgistang kasapi ng Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at
United Luisita Workers Union (ULWU) at mga biktima ng karahasang pulis-militar
noong 16 Nobyembre
Ni Gelacio Guillermo
Inilathala
ng Bulatlat
1
Alto,
Primera Fila, Obrero, Camarin, Dolores—
Sino
sa gayong kalawak ang nagtakda sa hugis ng aming buhay,
Sa
gayong dikta ng kapalara’y kinailangang
Ang
aming pagpapagal ay katugma ng kalupaan?
Ang
mas mataas na lugar ay para sa mayayaman, ang mas mababa’y
Para
sa mahihirap, ang namamagita’y latigo
Ng
isang kanal, kung saan sinipsip at isinumpa ng mga linta ang aming kabataan,
Ang
kanilang pag-aglahi’y nakatatak habambuhay sa aming mga katawan.
Pansinin
ang pagkakahati: nasa kabila ang pabrika,
Bagamat
ang braso ng aming mga ama at kapatid
Ang
higit na mas malakas, ang kanilang mga braso
Ang
nagpapabago ng mga panahon,
Ang
nagbibigay-dangal sa pawis at dumi.
Tanging
ang buhay nila ang hindi kanila.
Nakabahay
sa kawalan ng matitirhan,
Tinitiis
ng kanilang mga asawa ang kabuntisang walang kulay,
Namamatay
sa kahihiyan ang kanilang mga anak o tumatakas.
Sila
mismo’y naghihintay ng pagtanda na naghihingalo,
Nababalot
ng pangingisay ng katahimikan, nakalambiting mga himulmol.
Narito
ang kasaganaang umaapaw sa mga bagong
Hila
ng maiitim na tren, na ang ingay nila’y para sa mga pangalang
Kanilang
ibinabando—Don Pepe, Dona Sidra, Senyorita Pat, Senyorita Cory,
Silang
tanging may karapatang yanigin ang aming mga gabi,
Karapatang
ipinagkakait sa hikbi ng aming mga ina’t anak.
Ang
riles na nakapako sa lupa ay ang aming buhay
Na
sinanay sa pagtitimbre ng oras
Sa
Casita de la Guardia, gaano nang makaligtas
Sa
hagupit ng Guardia Monte.
Alto,
Primera Fila, Obrero, Camarin, Dolores—
Mga
lokalidad ng makikitid na kalsada, na ang buhay
Ay
nagwawakas sa pusalian ng aming naunsyaming pagmamahal.
2
Hindi
likas ang mga panahon. Dalawa ang panahon,
Ang
panahon ng kabyaw at ang panahong tigil, ang isa’y naglalawa
Sa
grasa at mulasis, ang isa nama’y sintuyot ng bagaso.
Liban
sa pagpapalit ng mga tauhan o bahagi ng makina,
Walang
pagbabagong nagpapabago sa mga daang-riles ng panahon,
Ang
kanilang mekanikal na pag-ulit-ulit ay nakapiston sa pasubaling
Walang
anumang babaguhin, ni ang klima
Ng
huntahan ni ang ani ng tungkulin o buhay.
Ang
mga panaho’y bunton ng quedan at utang,
Sakuna’t
kamatayan, sakit at pagpapatalsik,
Walang
paghinog ng mga bagong pag-iibigan o pagpawi
Ng
di-makatarungang relasyon. Hindi
prutas ang mga tubo,
Sila’y
Sugar y Azucar, amoy-salapi
Mula
sa Mill Department, sa
Boiling
House hanggang sa Departamento de las Vias
Y
Transportacion, at ang tinatawag na milagro
Ng
panahon, na inuukulan ng dasal, ay
Ang
mga sapal. Kaya nga’t sa Alto, napipigil ng mga senyor
At
senyora ang pagpapalit ng mga panahon
Para
iwasiwas ng kanilang artipisyal na gubat ang mga sangang
May
palagiang paabot na tag-araw. Ang kanilang libanga’y
Ang
pagtatayo ng mga bangko at simbahan at pagpaparami
Ng
mga tusong manok-pansabong at de-kwerdas na mga badigard.
Kaya
nga’t sa Obrero, Camarin, Dolores, Lote,
Balete,
Mapalacsiao, dumadaloy ang lahat tulad ng dati:
Naglalaro
ang mga bata ng kanilang pinamagang raberband,
Na
madaling maputol, inaalo sila ng kanilang mga ina
Ng
tubo, panutsa, muskobado o repinadong asukal,
Na
paubos na, ang kanilang mga ama’y
Lalong
nabibingi’t natutulala sa lambong nitong beintekwatro oras
Na
makinaryang animo’y bagyo’t kulog, lahat di maglalao’y huhupa
Sa
ingit ng nag-iisang gulong ng bagon. Ang
panahong tigil
Ay
ang panahong nadiskaril, nanginginig sa manipis
Na
tunog ng upod na bakal.
Kapag ang init
Ay
tumindi, hindi na nila kailangang ipulupot ang kanilang buhay sa arko
Ng
panamampalataya sa mga panahong ito, o mamulot ng malulungkot na kabute
Sa
bunton ng madikit, umuusok, maitim na dumi
Ng
kanilang paggawa. Sa kanilang mga
barak, hinahasa
Ng
mga tabasero ang kanilang mga karit sa kanilang mga sugat.
Hindi
Na
nila hihintayin ang mando ng Jefe de los Tabaseros.
Sa
panahong sila mismo ang gumawa, sa tubuhan
Ng
lahat nilang nabaling nasa, itinataas nila ang karit
Sa
tanging maindayog nilang paraan ng pagtabas.
3
Sa
dakong huli, ikaw
Ay
parang pinangos na tubo
At
tuyong sapal na nang iluwa
Sa
pusalian ng sentral.
Dumadagundong
ang mga bagon
Sa
riles ng iyong naninikip
Na
dibdib,
Pinipitpit
ang bawat tumilapong
Tibtib
ng iyong buhay.
Ang
silbato’y mga tili
Ng
iyong paghinding
Hindi
naibulalas sa hanging
Naninikit
sa lapot ng mulasis
At
walang kipkip na mga pangako
Kundi
ang mga bagasong
Gangga-puwing,
Nangangamoy
sa salaping
Di
lalapag sa iyong palad,
Sa
iyong palad na walang guhit
Ng
kapalarang di nangitim
Sa
grasa ng kapagurang
Pinagsamantalahan.
Naging
katawan mo
Ang
iyong kasuotan, kulubot,
Kupasin,
May
mantsa ng kirot sa bawat punit,
Ngunit
sa pagtatagni-tagni’y
Napagdurugtong
ang siwang sa langit
Ng
iyong pagmamahal.
Pinanday
mo ang bakal
Hanggang
naging sintigas ng bakal
Ang
iyong kamay,
Ngunit
para sa iyong palad,
Isang
butil ng asukal.
Isang
butil ng asukal lamang ba
Ang
babauning hapunan ng iyong
Gunita?
Ang
mga makina ba’y nagkakalampagan
Upang
pagsapit ng tag-araw
Ay
walang maririnig kundi
Ang
langitngit ng kinalawang na bagon
At
hikbi ng pag-usbong
Ng
mga kabute sa tubuhan?
Ang
ani ba ng iyong paggawa’y
Mga
matang walang tilamsik
Ng
nagbabagang asitelin,
Mga
labing tikom, hindi maihayag
Ang
ngalan at lakas ng uri?
Isang
butil ng asukal
Sa
iyong palad,
Kaybusilak,
pagkat ang kamay mo’y
Iyong
dinumhan. Lagumin mo
Iyang
isang butil sa iyong pawisang
Palad,
itikom na ang naghihingalong
Mga
daliri, ang iyong kamao’y
May
hugis ng daigdig
Na
nakaamba.
Iyong
banaagin, sa kabila
Ng
nakalambong na dilim,
Ang
isang panahong
Hindi
na magpapabukas—
Kaytindi
ng sapok ng araw,
Nakasisilaw
ang talim ng mga karit.
Sabay-sabay
ang lagapak
Ng
tubo sa parang:
Atin!
Nakabibingi
ang mga makina,
Bumubulwak
ang kumukulong
Pulot
sa higanteng mga kawa,
Pumuputok
ang almasen
Sa
kaban-kabang butil
Ng
ating paggawa:
Atin!
Sa
talsik ng dugo’y
Tumitingkad
ang kulay
Ng
kasaysayang ang kauri mo
Ang
nagwawagayway.
Sa
noo mo’y nag-aapoy
Ang
pinagbuklod na kaapihan.
Sa
siklab ng iyong huling
Paghinga’y
nagsisimula
Ang
titis ng tagumpay.
(1962-1972)
© 2004 Bulatlat ■ Alipato Publications
Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.