Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. V,    No. 25      July 31 - August 6, 2005      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

www.bulatlat.com

www.bulatlat.net

www.bulatlat.org

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)

Sa Isla ng Talim, Lawa ng Laguna

Ni Richard R. Gappi
Bulatlat

I.

 

            “Give us this day our daily fish.” – Pablo Neruda, “Ode to the Sea”

 

Kumaway ang mga kanaway sa ating pagdating.

Nagsasa-pakpak ang alon at nakaangkas tayo

dito sa pulo na balon ng alamat.

Ito ang pagkakataon ng pasinaya

sa pagtuon ng dayo nating bukongbukong.

Sa halos dalawang araw nating paghilata at pag-unawa,

maaaring hindi natin nahuli ang kanduli o tilapia.

Ngunit kahit papaano,

ang balát natin ay nagkabálat ng isla:

ang bating tingin ng Kweba ng Matalinting;

ang ganda ng Bundok ng Susong Dalaga;

ang init ng tubig-poso na maaaring paglagaan ng itlog;

ang panggatong na kahoy na pinatutuyo,

hugis-tiktakto na nagsasabaklad, at patong-patong;

ang duyan na gawa sa lambat;

baklad na nakalatag sa papag ng Lawa;

Mr. and Mrs. na lagi’t laging ikinakasal

sa bawat indak at sayaw;

at ang mangingisdang si Kuya Veckers

na ang katawan at katauhan ay kabahagi na ng mapa ng Lawa.

Paglapat ng talampakan natin sa bayan,

katulad ng alon ang ating pamamaalam.

Sa ating gunita, pupusag ang mga nahuli nating isda --

Hindi ito kailanman magsasa-Mariveles

kung saan mapupuno ito ng kaliskis.

Manapa, tayo’y may mga kwentong matamis na kilapsaw

sa kakilala na masasalubong at magtatanong pagdating ng araw.

 

II.

 

Pagpunta dito, ang alon ay parang bigote ni Mr. Suave.

Pero pag-uwi natin, kundi man nagrarakenrol

ay nagko-concert ang Limpbizkit.

Hindi man tayo naghulog ng limampisong barya,

umaawit ng spageti song ang ating mga pintig,

pataas at pababa ang alon.

Nag-ho-hoy hoy hoy hoy hoy hoy din ang alon,

parang nag-o-ocho-ocho ang dampi sa ating mga pisngi,

pabalik-balik, makulit at nakakakiliti.

Ang kristal na hamog sa noo ng bundok

ay parang puting belo ng usok-tambutso na nasa batok ng lungsod.

Ang mga baklad na kawayan ay parang iskeleton,

mga kalansay-gulugod ng itinatayong gusali sa Maynila at Makati.

Ang salpok ng mga alon sa bato ay parang walang tigil na busina

sa baradong kalsada at kalyehon ng Maynila.

Ang mga kanaway ay parang mga pulitiko, laging nakasunod sa alon

at sumusunggab ng isda sa bawat pagkakataon –

Ang isla ay nagsasa-Maynila sa tulad nating mga dayo at bisita.

Kaya ang isla ay lagi’t laging nasa gunita

na nakasilid sa bulsa ng ating mga puso at alaala.

 

 

Angono, Rizal

Disyembre 7, 2003

  

BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

 

© 2004 Bulatlat  Alipato Publications

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.