This story
was taken from Bulatlat, the Philippines's alternative weekly
newsmagazine (www.bulatlat.com, www.bulatlat.net, www.bulatlat.org).
Vol. V, No. 25, July 31-August 6, 2005
I.
“Give us this
day our daily fish.” – Pablo Neruda, “Ode to the Sea”
Kumaway ang mga kanaway sa
ating pagdating.
Nagsasa-pakpak ang alon at
nakaangkas tayo
dito sa pulo na balon ng
alamat.
Ito ang pagkakataon ng
pasinaya
sa pagtuon ng dayo nating
bukongbukong.
Sa halos dalawang araw
nating paghilata at pag-unawa,
maaaring hindi natin nahuli
ang kanduli o tilapia.
Ngunit kahit papaano,
ang balát natin ay
nagkabálat ng isla:
ang bating tingin ng Kweba
ng Matalinting;
ang ganda ng Bundok ng
Susong Dalaga;
ang init ng tubig-poso na
maaaring paglagaan ng itlog;
ang panggatong na kahoy na
pinatutuyo,
hugis-tiktakto na
nagsasabaklad, at patong-patong;
ang duyan na gawa sa lambat;
baklad na nakalatag sa papag
ng Lawa;
Mr. and Mrs. na lagi’t
laging ikinakasal
sa bawat indak at sayaw;
at ang mangingisdang si Kuya
Veckers
na ang katawan at katauhan
ay kabahagi na ng mapa ng Lawa.
Paglapat ng talampakan natin
sa bayan,
katulad ng alon ang ating
pamamaalam.
Sa ating gunita, pupusag ang
mga nahuli nating isda --
Hindi ito kailanman
magsasa-Mariveles
kung saan mapupuno ito ng
kaliskis.
Manapa, tayo’y may mga
kwentong matamis na kilapsaw
sa kakilala na masasalubong
at magtatanong pagdating ng araw.
II.
Pagpunta dito, ang alon ay
parang bigote ni Mr. Suave.
Pero pag-uwi natin, kundi
man nagrarakenrol
ay nagko-concert ang
Limpbizkit.
Hindi man tayo naghulog ng
limampisong barya,
umaawit ng spageti song ang
ating mga pintig,
pataas at pababa ang alon.
Nag-ho-hoy hoy hoy hoy hoy
hoy din ang alon,
parang nag-o-ocho-ocho ang
dampi sa ating mga pisngi,
pabalik-balik, makulit at
nakakakiliti.
Ang kristal na hamog sa noo
ng bundok
ay parang puting belo ng
usok-tambutso na nasa batok ng lungsod.
Ang mga baklad na kawayan ay
parang iskeleton,
mga kalansay-gulugod ng
itinatayong gusali sa Maynila at Makati.
Ang salpok ng mga alon sa
bato ay parang walang tigil na busina
sa baradong kalsada at
kalyehon ng Maynila.
Ang mga kanaway ay parang
mga pulitiko, laging nakasunod sa alon
at sumusunggab ng isda sa
bawat pagkakataon –
Ang isla ay nagsasa-Maynila
sa tulad nating mga dayo at bisita.
Kaya ang isla ay lagi’t
laging nasa gunita
na nakasilid sa bulsa ng
ating mga puso at alaala.
Angono,
Rizal
Disyembre 7, 2003 © 2004 Bulatlat
■
Alipato Publications Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.
TULA (POETRY)
Sa
Isla ng Talim, Lawa ng Laguna
Bulatlat