Bu-lat-lat (boo-lat-lat) verb: to search, probe, investigate, inquire; to unearth facts

Vol. VI, No. 38      Oct. 29 -Nov. 4, 2006      Quezon City, Philippines

HOME

ARCHIVE

CONTACT

RESOURCES

ABOUT BULATLAT

 

Google


Web Bulatlat

READER FEEDBACK

(We encourage readers to dialogue with us. Email us your letters complaints, corrections, clarifications, etc.)
 

Join Bulatlat's mailing list

 

DEMOCRATIC SPACE

(Email us your letters statements, press releases,  manifestos, etc.)

 

 

For turning the screws on hot issues, Bulatlat has been awarded the Golden Tornillo Award.

Iskandalo Cafe

 

Copyright 2004 Bulatlat
bulatlat@gmail.com

   

TULA (POETRY)
At Nawawala Pa Rin ang Aking Kaibigan at Kasamahan

NI PHILIP ANORICO
Inilathala ng Bulatlat

 

Wala tayong ibang inapuhap

kundi ang pagbawi sa inagaw na pangarap—

isang daigdigang may sikmurang hindi nakakuyom

at kinakayas ng gutom.

Hindi lingid na ‘sintayog ito ng punong higera

kung saan, sa gubat na mapanglaw,

ay iginapos ang katawan ng paglayang inaasam.

 

Ninais nating sumambot ng sapat

ang mga kaminerong nilulutong parang aspalto

                sa katanghaliang tapat

sa halip na gawin silang taong-propaganda

para sa halalang batbat ng dayaan.

Ninais nating makahawak ng aklat

ang bawat batang kalaro

sa masisikip at maiinit na tahanang

pinagtagpi-tagping yero at plywood.

Ninais nating bunutin ang busal

na isiniksik na tulad ng basurang umaapaw

sa bunganga ng mga kakilala’t kaibigan.

 

At kung bakit ngayon,

maging ikaw ay amin na ring inaapuhap?

Inagaw ka rin sa amin

tulad ng ating pangarap.

At para kaming humihikbi-hikbing musmos ngayon

na nang-aamot ng kapanatagan.

Ang paghanap sa iyo at katulad

ng pangangapa sa baryang

nahulog

                sa

lawa.

Habang agam-agam namin kung kailan ididiit

sa aming mga gulugod ang malamig na bakal

na hindi namin alam kung iyon din

ang bakal na idinampi sa iyo.

 

Kung nasaan ka man,

iyong tatandaang tinupad namin ang pangako sa iyo—

isinumbong namin ang iyong pagkawala

sa mga kaklase, guro, at kaibigan.

Hindi,

hinding-hindi malilimutan ng kasaysayan

at sandaigdigan

na si Karen Empeño ay ninakaw din sa amin,

ninakaw sa bayan,

isang kabataan,

na siyang pag-asang iniingatan.

Ipagpapatuloy namin ang pag-apuhap sa iyo

sa kung paanong hindi natin tinantanan

                ang pagkawag sa gapos ng lubid.

Matutupad din ang ating pangarap—

makakawala tayo sa pagkakatali sa punong higera

at babaklasin natin ang matatalim

na ngipin ng mga nakaangil tigre.

 

Sila ang mga buhay-na-patay

na sumasakmal sa ating dibdib at kalooban:

walang-awa silang parurusahan

                ng kasaysayan.

Totoo ito,

aking kaibigan at kasamahan.

Lintik lang ang walang ganti.

Mata lamang ang walang latay.

 

14 Setyembre 2006

Venus Compound

Angono, Rizal

 

Ang awtor ay mag-aaral ng B.A. Araling Pilipino sa UP Diliman. Kasapi ng Anakbayan at NEO-ANGONO Artists’ Collective.Binigkas ang tula sa unang poetry night, noong ika-15 ng Setyembre, sa Hacienda de Angono restaurant.

Inilathala ng Bulatlat

 
BACK TO TOP ■  PRINTER-FRIENDLY VERSION  ■   COMMENT

© 2006 Bulatlat  Alipato Media Center

Permission is granted to reprint or redistribute this article, provided its author/s and Bulatlat are properly credited and notified.